Nat’l Maritime Council sa gitna ng ‘range of serious challenges’, tinintahan ng Pangulo
- Published on April 2, 2024
- by @peoplesbalita
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 57 na lilikha ng National Maritime Council (NMC) para palakasin ang maritime security ng Pilipinas at itaas ang maritime domain awareness ng mga filipino sa gitna ng agresibong taktika at pagbabanta ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS).
Sa anim na pahinang EO 57 na nilagdaan noong Marso 25, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na palakasin ang maritime security at itaas ang kamalayan sa maritime domain sa gitna ng “a range of serious challenges that threaten not only the country’s territorial integrity, but also the peaceful existence of Filipinos.”
“Strengthening the country’s maritime security and domain awareness is imperative to comprehensively tackle the crosscutting issues that impact the nation’s national security, sovereignty, sovereign rights, and maritime jurisdiction over its extensive maritime zones,” ayon sa Pangulo.
Sa ilalim ng EO 57, pinalitan ni Pangulong Marcos ng pangalan at muling inorganisa ang National Coast Watch Council (NCWC) sa NMC para bumalangkas ng mga polisiya at estratehiya upang masiguro ang “unified, coordinated and effective governance framework” para sa maritime security at domain awareness ng bansa, bukod sa iba pang kapangyarihan at tungkulin.
Si Executive Secretary Lucas Bersamin ang tatayong chairman ng NMC na may tungkulin na bumalangkas at magpalabas ng mga alituntunin para sa epektibong implementasyon ng EO 57 sa loob ng 60 araw mula sa pagiging epektibo nito.
Ang mga miyembro ng NMC ay ang mga Kalihim ng Departments of National Defense (DND), Agriculture (DA), Energy (DOE), Environment and Natural Resources (DENR), Foreign Affairs (DFA); at National Security Adviser (National Security Council).
Kasama rin bilang mga miyembro ng NMC ang mga Kalihim ng Departments of Finance (DOF), Interior and Local Government (DILG) and Transportation (DOTr) kasama ang Solicitor General, at Director General ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA).
Ang NCWC Secretariat, na pinalitan ng pangalan bilang Presidential Office for Maritime Concerns (POMC), ay may tungkulin na magbigay ng “consultative, research, administrative and technical services” sa NMC at tiyakin ang episyente at epektibong implementasyon ng mga polisiya ng konseho, bukod sa iba pang mga tungkulin.
Si Presidential Assistant for Maritime Concerns Andres Centino ay itinalaga bilang POMC head at may atas na direktang mag-ulat sa Pangulo ukol sa mahahalagang at kritikal na bagay at usapin na nakaaapekto sa “maritime security at domain awareness” ng bansa.
Samantala, ang National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), ay nilikha para “to orchestrate, synchronize, and operationalize the employment of the capabilities of different agencies for a unified actions in the WPS, will be attached to the NMC and will receive policy guidance from the President through the NMC.”
Ang EO 57, nilagdaan ni Bersamin na may pahintulot ng Pangulo ay kagyat na magiging epektibo sa oras na mailathala sa Official Gazette, o sa pahayagan na may general circulation kung saan ang kompletong listahan ng kapangyarihan at tungkulin ng NMC, at support agencies ay nakasaad kasama ang mga tungkulin ng POMC at National Maritime Center.
Nagpalabas si Pangulong Marcos ng EO kasunod ng water cannon attack ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia sa Philippine supply vessel sa Ayungin Shoal na nagdulot ng labis na pinsala sa barko at nag-iwan ng tatlong Filipino crew members na pawang mga sugatan. (Daris Jose)
-
Maraming sasaguting isyu sa ‘The Cheating Game’: Romcom movie nina JULIE ANNE at RAYVER, mapapanood na sa Netflix Worldwide
PAANO na ba mag-date ngayon? Ano ba ang eksena? Worth it pa ba talaga? Sasagutin ang mga ito sa ‘The Cheating Game,’ na pinagbibidahan nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz at mapapanood na sa Netflix Worldwide simula October 26. ‘A feverish, deep-dive into the psyche of two individuals who […]
-
Nagpunta sa Fortis Airbase para mag-skydiving: EULA, hinangaan sa kanyang adventurous spirit
TODAY, March 1, ang simula ng showing ng second episode ng controversial but top-grossing movie for 2022, na “Maid in Malacanang,” ang “Martyr or Murderer” produced again by Viva Films under the direction of Darryl Yap. After the very successful premiere night last Monday, February 27, sa SM North EDSA The Block Cinemas […]
-
Pope Francis, nagpaabot nang pakikiramay sa sambayanang Pilipino sa pagpanaw ni FVR
NAGPAABOT ng kanyang taos-pusong pakikiramay si Pope Francis sa sambayanang Pilipino sa pagkamatay ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. Ang mensahe ng Santo Papa ay ipinasa ng tanggapan ng Apostolic Nuncio sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, Agosto 9. Ang liham ay nilagdaan ni Msgr. Alessio Deriu, kalihim ng Apostolic […]