Naturukan na ng 2nd dose ng Sinopharm: Pangulong Duterte, fully vaccinated na-Sec. Roque
- Published on July 14, 2021
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ni Presidential spokesperson Harry Roque na natanggap na ngayon gabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang second dose ng Sinopharm.
Nangyari aniya ito bago pa ang nakatakdang pulong ng Pangulo kasama ang ilang miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Si Health Secretary Francisco Duque III ang nagbakuna kay Pangulong Duterte.
“I confirm that PRRD had his second dose of Sinopharm tonight before his meeting with select members of the IATF. Sec Duque administered the jab to the President,” ayon kay Sec. Roque.
Matatandaang buwan ng Mayo nang mabakunahan si Pangulong Duterte sa Malacañang.
Ang itinurok kay Duterte ay ang Chinese vaccine ng Sinopharm na inirekomenda umano ng kanyang personal na doktor.
Mismong si Sec. Duque rin ang nag-administer ng unang dose kay Pangulong Duterte.
“I feel good and I have been expecting this shot a long time ago… It took my private doctor a long time to make the assessment. And she has chosen Sinopharm. Sinopharm itong tinuturok sa akin,” ani Duterte.
Wala naman umanong negatibong reaksiyon ang Pangulo at nakapag-public address pa siya pagkatapos mabakunahan.
Pero pagtataka ng marami ay kung bakit Sinopharm ang itinurok gayong wala pa itong emergency use authorization mula sa Food and Drug Administration.
Mabilis namang nilinaw ng Department of Health na walang batas na nalabag dahil compassionate special permit umano ang basehan ng pagturok ng Sinopharm kay Duterte. (Daris Jose)
-
OFW remittances, tumaas ng 3% – Bangko Sentral ng Pilipinas
TUMAAS ng 3 porsyento ang mga personal remittances mula sa mga Overseas Filipino Worker hanggang $2.9 billion para sa buwan ng Marso mula sa $2.8 bilyon sa parehong buwan noong 2022. Naobserbahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagtaas ng mga inbound money transfer mula sa parehong land-based at sea-based OFWs. […]
-
DOTr: MM Subway pinabibilis ang konstruksyon
TULUY-TULOY ang ginawang konstruksyon sa Metro Manila Subway project kung saan ang Department of Transportation (DOTr) ay lumagda sa isang “right-of-way usage agreement” sa apat (4) na malalaking kumpanya para sa pagtatayo ng dalawang (2) estasyon nito. “We inked right-of-way usage agreement with Megaworld Corp., Robinsons Land Corp., Ortigas & Co. Ltd […]
-
Riding-in-tandem na walang helmet, buking sa baril sa Malabon
BINITBIT sa selda ang dalawang lalaki nang mabisto ang dalang baril makaraang masita ng mga pulis dahil kapwa walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10054 (Motorcycle Helmet Act of 2009) at RA 10591 (Comprehensive Law on […]