• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naunang anunsiyo hinggil sa pagbabago ng 21 to 60 years age restriction para makalabas ng bahay, kailangan pang linawin sa IATF – Malakanyang

KAILANGAN pa munang linawin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang tungkol sa pagbabago ng age restriction ng mga puwede nang makalabas ng bahay.

 

Itoy makaraang magkaroon ng anunsiyo na ibinaba na sa edad 15 at itinaas naman sa 65 ang pupwede nang makalabas ng bahay.

 

Paglilinaw ni Sec. Roque, example o halimbawa lang ang “15 to 65” sa rekomendasyon at hindi pa pinal.

 

Ang sigurado ayon kay Sec. Roque ay aprubado nang may pagbabago sa age restriction at hindi na 21 to 60 years old.

 

“Well, unang-una po, ang naaprubahan po ng Gabinete kasama ng Presidente ay lahat ng kabuuan ng rekomendasyon na ginawa po ng economic team sa pagbubukas ng bahagya pa ng ating ekonomiya, kasama po diyan iyong edad,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Pero nakasulat po doon ‘e.g. 15 to 65’, so medyo, ang e.g. ibig sabihin po ‘for example’ ‘no. So lilinawin ko lang po kung talagang 15 to 65 na iyan. dahil iyon po iyong kumbaga oversight doon sa recommendation, hindi siya fix, sinabi doon e.g.. So ipagbibigay-alam ko po ito sa IATF para magkaroon ng paglilinaw, pero ang talagang naaprubahan na po ay babaguhin na natin, hindi na po 21 to 60 iyan, dahil pupuwede na pong mas marami pang mga 21 to 60. Hindi na po 21 to 60 iyan, mas marami na po ang makakalabas, hayaan lang po ninyong klaruhin ko sa IATF kung ano talaga iyong edad, dahil sa rekomendasyon, ‘e.g.’ po iyong nakasulat doon, 15 to 65,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya, idudulog niya ito sa susunod na pulong ng IATF para magkaroon ng paglilinaw ngunit sa Martes pa aniya ito magagawa dahil may budget hearing ngayong araw ang DOH kaya walang IATF meeting ngayong Huwebes.

 

“Sa Tuesday po yata ang susunod na meeting, kasi budget hear- ing po ngayon. Dahil nag-resume ang budget, ang DOH po, bukas po iyong pagdidinig ng budget nila, kaya wala pong meeting ng IATF,” ang pahayag ni Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Libo-libong mga magsasaka sa Bicol natanggap na ang P24.4M halaga ng indemnity checks mula sa PCIC

    Natanggap na ng libo-libong mga magsasaka sa Bicol Region na naapektuhan ng bagyong Kristine ang P24.4M na halaga ng indemnity checks mula sa Philippine Crop Insurance Corp.     Ang naturang korporasyon ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Agriculture.     Nanguna si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa pamamahagi ng naturang […]

  • 14-ANYOS NA MUSLIM, PATAY SA SUNTOK NG 13-ANYOS

    PATAY ang isang 14 anyos na binatilyo nang ma-knock-out sa kapwa menor de edad na Grade 7 sa Fraternal St. Quiapo, Maynila.   Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Sampaloc ang biktima na si Karim, di tunay na pangalan habang nasa kustodiya naman ng Barbosa Police Station  ang suspek na 13 anyos na […]

  • Ibinuko ng director ng serye na labis na nag-alala: BIANCA at RURU, nagkatampuhan at nag-unfollow sa IG habang nagte-taping

    NAGKATAMPUHAN hanggang sa umabot sa pag-a-unfollow nila sa isa’t-isa sa Instagram ang magkasintahang Bianca Umali at Ruru Madrid.     Ito ay habang nagte-taping sila para sa bago nilang proyekto, ang ‘The Write One’ ng GMA at VIU Philippines.     Ang direktor ng show nila na si King Marc Baco ang nagbulgar nito.   […]