• August 31, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Navigational gate sa Navotas na nasira, pinapaayos na ni PBBM

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ayusin na ang nasirang navigational gate sa Navotas.
Ito kasi ang dahilan na ilang linggo ng dumaranas ng kalbaryo ang mga taga Navotas at Malabon dahil sa tubig baha.
Sa situation briefing, sinabi ng Chief Executive na Isang emergency measure ang mabigyan ng remedyo sa nawasak na gate gayung walang humaharang sa pasok ng tubig sa nabanggit na dalawang area ng CAMANAVA.
Ayon sa Pangulo, dapat na aniyang kumonsulta ukol dito ang mga engineers kahit pansamantalang remedyo lang muna at balikan na lang gawin ang nawasak na gate kapag tuluyan ng gumanda ang panahon.
Sinabi ng Pangulo na kahit nagkaruon na ng pagtigil sa mga pag- ulan ay tila hindi pa din nababawasan Kasi ang baha sa Malabon at Navotas at itoy dahil na din sa nawasak na navigational gate.
Kaya ang direktiba ng Presidente, gawin ang lahat para maayos agad ang gate na nagsisilbing pangharang sa baha at makabawas sa pahirap ng dalawang lunsod ng CAMANAVA.
(Richard Mesa)
Other News
  • Pagpapakawala ng tubig ng dams dapat kontrolin ng NDRRMC – Año

    Ipinanukala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na dapat ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na lamang ang kailangang magdesisyon sa pag-aapruba sa mga dam kung dapat ba ang mga itong magpakawala ng tubig sa panahon ng kalamidad. Ito ang siyang sinabi ng kalihim sa isang […]

  • Mas maraming envoys, nag-courtesy visits kay Marcos

    PATULOY ang pagdating ng mga  diplomats para magbigay ng courtesy visits kay  President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     Kabilang na rito sina  United Nations Resident Coordinator in the Philippines Gustavo Gonzalez, Sweden Ambassador Annika Thunborg, Ambassador Charles Brown of the Holy See, at Irish Ambassador William Carlos.     Sinabi ni Thunborg  na ang […]

  • Magsayo todo ang paghahanda sa laban nila ni Vargas

    TINIYAK  ni WBC featherweight champion Mark “Magnifico” Magsayo na ito ay nasa tamang kondisyon sa paghaharap niya kay Rey Vargas isang linggo bago ang kanilang laban.     Sinabi ng Filipino Olympic boxer na halos 200 rounds ng sparring ang kaniyang ginagawa kung saan gumanda na ang kaniyang timbang.     Inaasahan kasi niya na […]