• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS LUMAGDA SA MOU PARA SA MAKABATA HELPLINE

PUMASOK sa isang kasunduan ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, kasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) para sa pagpapatupad ng Makabata Helpline 1383 sa lungsod.

 

 

Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang memorandum of understanding kasama si CWC undersecretary Angelo M. Tapales.

 

 

Sa ilalim ng MOU, gagawin ng lungsod ang Makabata Helpline bilang karagdagang serbisyo sa hotline na naa-access ng publiko para sa child-related concerns.

 

 

“Our city treasures its young population. Through the Makabata 1383, we encourage people, especially the youth, to report instances of child abuse and violence, and help to immediately resolve these cases,” saad ni Mayor Tiangco.

 

 

Ang CWC, sa pakikipagtulungan sa Navotas, ay naglalayon na gawing popular ang child helpline service at i-maximize ang mga operasyon nito upang makinabang ang mas maraming mga bata at pamilyang Pilipino.

 

 

Ang Makabata Hotline, na inilunsad noong Nobyembre 2023, ay binuo ng CWC upang magbigay ng plataporma para sa mga bata na mag-ulat ng anumang uri ng karahasan, pang-aabuso, at pagsasamantala.

 

 

Nilalayon din nitong tugunan ang paglabag sa mga karapatan ng bata sa pamamagitan ng agarang koordinasyon at prevention measures.

 

 

Dumalo rin sa seremonya sina Atty. Karen Gina Dupra, CWC Project Management Office Head, at Ms. Jennifer Serrano, City Social Welfare and Development Officer. (Richard Mesa)

Other News
  • JOHN, nagsabing pagbigyan sina DEREK at ELLEN kung happy sila together

    NATANONG si John Estrada tungkol sa katambal niyang si Ellen Adarna sa isang sitcom na gagawin nila, ang John en Ellen sa TV5 at sa best friend niyang si Derek Ramsay na diumano ay nagkakamabutihan na ngayon ang dalawa.   “Derek is like a brother to me.  Kilala ko siya, he is not playboy,” sagot […]

  • Pagpapatupad ng PhilHealth premium hike, apektado ang sahod ng mga guro

    IPINANAWAGAN ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang apela ng mga guro na suspindihin ang PhilHealth premium hike na lubos na nakaapekto sa sahod ng mga teachers.     “We strongly urge the suspension of the PhilHealth premium hike amid the soaring prices of basic goods, commodities and services. The hike […]

  • NAVOTAS NAGBIGAY NG TRABAHO SA INTERNS AT EX-OFWS

    BINUKSAN muli ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinto nito para sa mga kabataang Navoteño na gustong magkaroon ng karanasan sa pagtatrabaho sa gobyerno at mga dating Overseas Filipino Workers (OFWs) na nangangailangan ng alternative livelihood.         Nasa 22 beneficiaries ng Navotas Government Apprenticeship Program (NGAP) ang magsisilbi sa pamahalaang lungsod mula […]