• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS MULING NASUNGKIT ANG EDUCATION SEAL

SA ika-apat na pagkakataon, muling nakuha ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang 2022 Seal of Good Education Governance (SGEG) sa pagsisikap nitong magkaloob ng de-kalidad na edukasyon para sa kabataang Navoteno.
Tinanggap ni Navotas Schools Division Superintendent, Dr. Meliton Zurbano ang parangal kasama ang iba pang mga opisyal ng paaralan at mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan ng Navotas.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Mayor John Rey Tiangco sa lahat ng education partners at stakeholders sa lungsod.
“Thank you for ensuring that our learners receive the best quality of education even amidst difficulties and challenges,” aniya.
“Let us always ensure that young Navoteños are equipped with the right knowledge, skills, and values to help them reach their full potential, achieve success, and become upstanding members of society,” dagdag niiya.
Ang Navotas ay nagbibigay ng mga scholarship sa mga mag-aaral na mahusay sa akademya, palakasan, at sining; at nagbibigay din ng digital learning device at materyales sa mga mag-aaral at guro.
Nagsasagawa rin ito ng education summit, research conference, at capacity building activities para sa mga tagapagturo at magulang.
Patuloy ding ipinapatupad ng lungsod ang Project Teach-a-Learning Child (TLC) kung saan tinutulungan ng mga volunteers ang mga mag-aaral na makayanan ang kanilang mga aralin at makahabol sa mga gawaing pang-akademiko. Mula noong 2020, mahigit 400 volunteers na mga ang tumulong sa daan-daang mag-aaral sa pagkumpleto ng kanilang pangunahing edukasyon at pagtiyak ng mataas na functional literacy rate sa Navotas.
“Indeed, it takes a village to raise a child. That is why we see to it that everyone in the community is involved in our efforts to get more of our children in school and complete their education,” sabi ni Mayor Tiangco.
Ang Seal of Good Education Governance ay iginagawad sa mga lokal na pamahalaan na muling nag-imbento ng lokal na lupon ng paaralan, kasama ang komunidad sa pagtulong sa mga bata para matuto, tumaas ang retention at cohort survival rate, at mabawasan ang bilang ng mga hindi marunong magbasa. (Richard Mesa)
Other News
  • Sirkulasyon ng pekeng pera at iba’t ibang modus ngayong Christmas season, ibinabala ng Philippine National Police sa publiko

    TODO ngayon ang paalala ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na mag-ingat sa sirkulasyon ng pekeng pera maging ang iba’t ibang modus ngayong holiday season.     Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, tuwing sasapit naman ang Pasko at Bagong Taon ay nagkalat na ang iba’t ibang modus ng mga masasama ang […]

  • Utang ng Pilipinas nanatili sa P13.64 trilyon

    HALOS hindi gumalaw ang “outstanding debt” ng gobyerno ng Pilipinas nitong Nobyembre 2022 sa P13.64 trilyon kasabay ng pagtaas ng halaga ng piso.     Ito ang ibinahagi ng Bureau of Treasury, Martes, ilang buwan matapos ipayo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos na iwasan ang “hindi kinakailangang gastusin” at magpatupad ng […]

  • Ukraine, hindi na ipipilit pang maging kasapi ng NATO

    HINDI NA pipilitin pa ng Ukraine na maging kasapi pa ito ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).     In-anunsyo ito ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy matapos na tanggihan ng NATO ang kanyang kahilingan na ipatupad ang no-fly-zone sa himpapawid ng Ukraine sa kadahilanang maaari raw itong maging sanhi mas matinding digmaan sa Europe.   […]