• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS NAGBIGAY NG P1.5M AYUDA SA ‘ODETTE’ SURVIVORS

NAGBIGAY ng tulong cash aid ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa limang local government units na lubhang naapektuhan ng Bagyong Odette.

 

 

Sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction Management Office, nagbigay ang Navotas ng kabuuang P1.5 milyon sa local na mga opisyal ng Dapa, Surigao Del Norte; Ilog, Negros Occidental; Gingoog, Misamis Oriental; at mga probinsya ng Dinagat Islands at Bohol.

 

 

“Although our budget and resources are also limited because of our two-year long battle with COVID-19, we are still fortunate that we have the capacity to help our fellow Filipinos in dire need of support and assistance,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

“Dati, tayo ang tinutulungan dahil binabaha tayo nang matindi. Ngayon, tayo na ang tumutulong sa iba. At nagpapasalamat tayo sa bawat Navoteño dahil sa kanilang pakikiisa, mas madali nating natutugunan ang pandemya, mas nagagamit natin ang pondo ng bayan di lang sa pagpaaangat ng buhay sa Navotas kundi sa pagtulong din sa kapwa natin Pilipinong higit na nangangailangan,” dagdag niya.

 

 

Hinagupit ng Bagyong Odette ang Pilipinas noong December 2021 at sinalanta ang maraming lugar sa Visayas at Mindanao.

 

 

Noong 2014, sa pamumuno ng alkalde noon at ngayon ay representative ng Navotas na si John Rey Tiangco, nagbigay din ang lungsod ng P2 milyon sa dalawang coastal municipalities sa Eastern Samar na sinalanta ng Typhoon Yolanda. (Richard Mesa)

Other News
  • Beermen magpapalit ng import

    BAGAMA’T impresibo ang inilaro ni import Orlando Johnson sa nakaraang 110-102 panalo ng San Miguel sa nagdedepensang Barangay Ginebra ay papalitan pa rin siya ng Beermen sa umiinit na PBA Governors’ Cup.     Ang five-year NBA veteran na si Shabazz Muhammad ang sasalo sa trabaho ni Johnson para palakasin ang tsansa ng San Miguel […]

  • Personal reasons daw ang pag-alis ni Tirso: VILMA, isa sa kinu-consider pumalit sa FDCP bukod kay Direk JOEY

    SI Direk Joey Reyes ang isa sa mga inirekomenda ng nagbitiw na nga bilang FDCP chairperson Tirso Cruz III.  Pero hanggang wala pang inaanunsiyo na magiging kapalit ni Tirso ay ang pinaka-senior among the department heads ang pansamantalang chairperson ng Film Development Council of the Philippines. Si Star for All Seasons Vilma Santos Recto ay […]

  • BI, NANANATILING NAKA-FULL FORCE

    NANANATILI pa rin na nasa “full force”  Bureau of Immigration (BI) para sa dagsa ng  mga pasahero na bumibiyahe papasok at  palabas ng bansa dahil sa Undas.     Sinabi no BI Commissioner Norman Tansingco na ang kanilang frontline personnel ay nananatiling nasa heightened alert at tiniyak na may sapat silang tao upang pagsilbihan ang […]