NAVOTAS NAGBIGAY NG TRABAHO SA INTERNS AT EX-OFWS
- Published on July 11, 2024
- by @peoplesbalita
BINUKSAN muli ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinto nito para sa mga kabataang Navoteño na gustong magkaroon ng karanasan sa pagtatrabaho sa gobyerno at mga dating Overseas Filipino Workers (OFWs) na nangangailangan ng alternative livelihood.
Nasa 22 beneficiaries ng Navotas Government Apprenticeship Program (NGAP) ang magsisilbi sa pamahalaang lungsod mula July 2 hanggang November 29, 2024. Sa mga ito, 20 ang college graduates at dalawa ang nakatapos sa senior high school.
Ang programa ay naglalayon na magbigay ng oportunidad sa trabaho sa mga Navoteño na may edad 18-35 na nagtapos sa 2 o 4-years tertiary course o nakatapos sa K-12 curriculum.
Samantala, 24 Navoteños ang naka-enrol sa OFW Emergency Employment Program kung saan ang mga kwalipikadong aplikante ay mga dating OFW na may edad 20-55 na pinauwi at hindi nag-renew ng kontrata sa ibang bansa mula noong 2024.
“Public service is a noble calling, and I am grateful to all who answer it. Our apprentices and returning OFWs bring fresh perspectives and invaluable experience to our city government. I am glad to see them join our ranks through these programs,” ani Mayor John Rey Tiangco.
“In Navotas, we believe in the power of opportunity. By investing in our youth and supporting our returning OFWs, we not only give them the means to earn their livelihood but also to harness their potential to contribute to the growth and stability of our city,” dagdag niya.
Ang NGAP at OFW Emergency Employment Program beneficiaries ay tatanggap ng suweldo na P610 kada araw.
Ang parehong programa ay pinondohan sa pamamagitan ng Navotas Gender and Development Focal Point System. (Richard Mesa)
-
James Delos Santos may 10 gold medal na ngayong taon
Mayroon ng 10 gold medal sa e-kata ngayong taon si Filipino karateka James Delos Santos. Nakuha nito ang ika-sampung medalya ng hindi tinanggap ng mga tournament officials ang video entry ng kaniyang katunggali mula sa South Africa. Dahil sa hind pumasa ang video ni Cerone Biagoni sa gold medal round ay […]
-
8-anyos na batang lalaki tinangay ng agos, nahulog sa creek sa Caloocan
ISANG batang lalaki ang nasawi matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig nang aksidenteng mahulog sa Pag-asa creek habang naliligo sa ulan kasama ang dalawang kaibigan, Lunes ng hapon sa Caloocan City. Sa ulat ni P/Capt. Joniber Blasco, Acting Commander ng Police Sub-Station 13 kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, […]
-
Pekeng bitamina, ibinebenta
NAGBABALA ang National Bureau of Investigation (NBI) sa publiko sa pagbili ng mga vitamins o ibang produkto na ibinibenta at kadalasan ay mababa ang presyo dahil maaaring mga peke. Ginawa ng NBI ang babala kasunod ng pagsalakay sa isang bahay sa Arayat ,Pampanga at gumagawa at nagbebenta ng pekeng bitamina ng mga bata ng […]