NAVOTAS NAGBIGAY NG TRABAHO SA INTERNS AT EX-OFWS
- Published on July 11, 2024
- by @peoplesbalita
BINUKSAN muli ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinto nito para sa mga kabataang Navoteño na gustong magkaroon ng karanasan sa pagtatrabaho sa gobyerno at mga dating Overseas Filipino Workers (OFWs) na nangangailangan ng alternative livelihood.
Nasa 22 beneficiaries ng Navotas Government Apprenticeship Program (NGAP) ang magsisilbi sa pamahalaang lungsod mula July 2 hanggang November 29, 2024. Sa mga ito, 20 ang college graduates at dalawa ang nakatapos sa senior high school.
Ang programa ay naglalayon na magbigay ng oportunidad sa trabaho sa mga Navoteño na may edad 18-35 na nagtapos sa 2 o 4-years tertiary course o nakatapos sa K-12 curriculum.
Samantala, 24 Navoteños ang naka-enrol sa OFW Emergency Employment Program kung saan ang mga kwalipikadong aplikante ay mga dating OFW na may edad 20-55 na pinauwi at hindi nag-renew ng kontrata sa ibang bansa mula noong 2024.
“Public service is a noble calling, and I am grateful to all who answer it. Our apprentices and returning OFWs bring fresh perspectives and invaluable experience to our city government. I am glad to see them join our ranks through these programs,” ani Mayor John Rey Tiangco.
“In Navotas, we believe in the power of opportunity. By investing in our youth and supporting our returning OFWs, we not only give them the means to earn their livelihood but also to harness their potential to contribute to the growth and stability of our city,” dagdag niya.
Ang NGAP at OFW Emergency Employment Program beneficiaries ay tatanggap ng suweldo na P610 kada araw.
Ang parehong programa ay pinondohan sa pamamagitan ng Navotas Gender and Development Focal Point System. (Richard Mesa)
-
Seven Seaport Development Projects sa Bohol, panibagong “milestone” ng Build, Build. Build program ng gobyerno-PDu30
PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapasinaya ng “newly improved Port of Tagbiliran” at anim na “newly improved seaports of Bohol.” Sa naging talumpati ng Pangulo sa inagurasyon ng Seven Seaport Development Projects sa Bohol sa Port of Tagbilaran, araw ng Biyernes, sinabi nito na malaking karangalan na makasama siya sa event na […]
-
Sa bahay lang nag-celebrate ng wedding anniversary… MIKAEL at MEGAN, wala pang planong magka-baby at happy sa kanilang pets
NAG-CELEBRATE ng kanilang 3rd wedding anniversary ang mag-asawang Mikael Daez at Miss World 2013 Megan Young. Kinasal ang dalawa noong January 25, 2020. Sa kanilang YouTube channel, nag-post sila ng isang nostalgic compilation video. Sa Instagram ni Megan, binalikan niya ang 12-year relationship nila ni Mikael sa pamamagitan ng […]
-
Obiena may tiket na sa World meet
PASOK na si Olympian Ernest John Obiena sa World Athletics Indoor Championships at World Athletics Championships. Ito ang inihayag ni Obiena matapos ang kanyang gold medal performance sa Orlen Cup na siyang naging tiket nito para makahirit ng puwesto sa dalawang malaking world level competitions. “Last night in Lodz, Poland I […]