NAVOTAS NAGSAGAWA NG MEGA JOB FAIR, NAMAHAGI NG CASH ASSISTANCE
- Published on July 5, 2024
- by @peoplesbalita
BILANG bahagi ng ika-17th cityhood anniversary celebration, ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay nag-alok ng job opportunities, support small businesses, at nagbigay ng essential relief sa mga apektado ng kalamidad.
Itinampok sa Mega Job Fair, na inorganisa ng City Public Employment Service Office (PESO), ang 50 partner companies na nag-aalok ng mahigit 6,000 job opportunities sa iba’t ibang industriya.
Mahigit 300 Navoteños ang nag-aplay para sa mga trabaho kung saan 212 individuals ang hired on the spot.
Ang aktibidad ay nagsilbi rin bilang one-stop-shop para sa mga nangangailangan ng serbisyo mula sa government agencies tulad ng Philippine Statistics Authority, Pag-IBIG, Social Security System, at PhilHealth.
Samantala, nasa 250 families ang nakatanggap ng tulong pinansyal para matulungan silang makabangon at muling makatayo matapos ang insidente ng sunog sa Brgys. San Roque, Navotas West, Bagumbayan North, at North Bay Boulevard North.
Habang 120 Livelihood Package at 122 Tulong Puhunan grantees ang nakakuha ng suportang pinansyal para mapalago ang kanilang maliliit na negosyo.
Muling pinagtibay ni Mayor John Rey Taingco ang dedikasyon ng lungsod sa patuloy na suporta para sa employment and livelihood assistance programs.
“We are committed to creating opportunities for employment and livelihood for every Navoteño,” aniya.
“We also offer programs to enhance the knowledge and skills of our residents, ensuring they are well-equipped to thrive in their chosen fields and achieve their full potential,” dagdag niya.
Ang Navotas, sa pamamagitan ng NavotaAs Hanapbuhay Center and PESO, ay regular na nagsasagawa ng NegoSeminars para sa Navoteños na gustong magsimula ng kanilang sariling negosyo at in-house job interviews, gayundin ang pre-employment seminars for jobseekers. (Richard Mesa)
-
Maraming natuwa na classmate nila si Little John: RAPHAEL, na-miss kaya enjoy na muling mag-face-to-face classes
SIKAT sa kanyang school ang ‘Voltes V: Legacy’ star na si Raphael Landicho. Sa first day of school ng Kapuso child actor na gumaganap na si Little John Armstrong sa VVL, nagulat ang kanyang mga classmates nang pumasok siya sa classroom. “Natuwa at nagulat po sila kasi classmate daw […]
-
HERBERT, nag-apologize na kay KRIS dahil sa kanyang ‘di tamang ‘TOTGA’ post na burado na rin
NAG-APOLOGIZE ang aktor at dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista dahil aminadong hindi tama ang kanyang pinost na lumalabas na patungkol kay Queen Of All Media Kris Aquino. Burado ang naturang post pero marami na nakapag-screenshot kaya patuloy itong kumalat Post ni Bistek na kumakandidatong senador, […]
-
Malakanyang nagsimula nang mamahagi ng P20 milyong halaga ng ng proyekto
NAGSIMULA na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mamahagi ng P20 milyong halaga ng ng proyekto sa mga barangay na inalisan ng presensiya ng New People’s Army (NPA). Lumipad si Pangulong Duterte sa Cagayan de Oro City, araw ng Biyernes para dumalo sa pulong ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict […]