• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS NAKAKUMPLETO NA SA PAMIMIGAY NG P199.8M ECQ AYUDA

NAKAKUMPLETO ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamamahagi ng national government allocation para enhanced community quarantine (ECQ) ayuda.

 

 

Nasa P201,407,000 ang naipamahagi ng lungsod sa 62,600 pamilyang Navoteno hanggang August 25.

 

 

Nasa P199,871,000 ang pondo mula sa national government, habang P1,536,000 naman ang mula sa pamahalaang lungsod.

 

 

“We were able to finish the distribution of ECQ ayuda within the 15-day deadline.  We are thankful to all our city government and barangay employees, as well as personnel of the Philippine National Police–Navotas, who took on the task of delivering prompt and efficient services in all payout venues,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Muling naglaan ang Navotas ng P24,610,000 para dagdagan ang ECQ cash aid budget.

 

 

Sakop ng local fund ang cash assistance ng persons with disability, solo parents, at ang natitirang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

 

 

Makikinabang din dito ang mga indibidwal at pamilya na hindi pa nakakatanggap ng anumang tulong ng financial assistance.

 

 

“Our grievance and appeals committee has started validating requests of constituents who have not received any cash assistance since the community quarantine began last year,” sabi ni Tiangco. (Richard Mesa)

Other News
  • Pag-ban sa POGO, aprub na sa House panel

    DAHILAN sa pagkakasangkot sa samut-saring krimen tulad ng human trafficking, prostitusyon, forcible abduction, murder, investment scam, swindling at iba pa, pinagtibay na ng House Committee on Games and Amusement ang panukalang batas na nagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na mag-operate sa Pilipinas. Ang House Bill (HB) 5802 na dinidinig ng komite ay iniakda […]

  • Tokyo Olympics organizer papayagan lamang ang 10-K na audience

    Hanggang 10,000 Japanese fans ang papayagang makapunta sa mga lugar kung saan gaganapin ang mga laro ng Tokyo 2020 Olympics.     Ayon sa organizer na ito ang kanilang napagkasunduan matapos na unang pagbawalang manood ang mga nasa ibang bansa.     Ilan sa mga panuntunan na ipapatupad sa mga personal na manonood ay ang […]

  • MGA BAGONG BARANGAY OPISYAL SA NAVOTAS, NANUMPA

    NANUMPA ang mga bagong halal na pinuno ng 18 barangays sa Navotas City sa harap ni Mayor John Rey Tiangco, noong Lunes, November 20, 2023.     Sa kanyang talumpati, binati ni Mayor Tiangco ang mga opisyal habang hinahamon silang mag-iwan ng legacy sa loob ng kanilang dalawang taong termino.     “Serving others is […]