Navotas nakatanggap ng 250 doses ng pneumococcal vaccine mula sa DOH
- Published on July 14, 2022
- by @peoplesbalita
NAGBIGAY ang Department of Health (DOH sa pamamagitan ng pagsisikap ni dating Congressman at ngayo’y si Navotas City Mayor John Rey Tiangco ng 250 doses ng pneumococcal vaccine para sa Pamahalaang Lungsod.
Ibinunyag ng DOH na ang pneumococcal vaccine ay isa sa pinakamabisang bakuna kontra sa malubha at potentiall fatal pneumonia infections na kadalasan nararanasan ng mga matatanda.
Noong Martes ng hapon, ang Navotas City Health Office, sa tagubilin ni Mayor Tiangco ay nagsimulang mamahagi ng mga bakuna sa mga senior citizens na pinili ng Office of Senior Citizen Affairs (OSCA) chapters.
Nauna rito, iniulat ng University of the Philippines (UP) Population Institute na ang pneumonia ay itinuturing na isa sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga senior citizens na edad 60 pataas.
Sa figure na ito, sinabi ng Philippine Society of Microbiology and Infectious Diseases (PSMID), ang UP Population Institute ay lubos na inirerekomenda ang mga taong may edad 60 pataas na mabigyan ng pneumococcal vaccine upang tugunan hindi lamang ang pneumonia kundi pati na rin ang trangkaso. (Richard Mesa)
-
Lalaking wanted sa pagnanakaw at pananaksak sa estudyante, binitbit
DINAMPOT ng pulisya ang isang lalaking wanted sa pagnanakaw at pananaksak sa isang 17-anyos na estudyante noong nakaraang taon sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Sinilbihan ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa pangunguna ni PCAPT Melito Pabon ng warrant of arrest na inisyu ni Malabon […]
-
Walang report ng destab plot sa hanay ng mga aktibong pulis laban sa kanya
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang report ukol sa mga aktibong police officials ang kasama sa nagpa-planong patalsikin siya sa puwesto. Nauna rito, sinabi ni dating Senador Antonio Trillanes IV na may ilang retirado at aktibong high-ranking officials mula sa Philippine National Police (PNP) ang nangungumbinsi umano sa kanilang hanay para […]
-
Ginebra, Magnolia, San Miguel players negatibo sa COVID-19
Nagnegatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang lahat ng mga manlalaro ng Barangay Ginebra, Magnolia Hotshots, at San Miguel Beermen makaraang sumailalim sa testing noong nakaraang linggo. Ito ay batay sa naging anunsyo ni San Miguel Corporation (SMC) president and chief operating officer Ramon Ang. Dagdag ni Ang, bagamat mahalaga ang sports sa […]