• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS NAKUMPLETO NA ANG PAGBABAKUNA SA MGA FRONTLINERS

Nakumpleto ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas nitong Lunes ang pagbabakuna sa priority A1 frontliners.

 

 

Nasa 1,297 residente at hindi residenteng frontliners na nakarehistro sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) vaccination program ng lungsod ang nakatanggap ng kanilang shots.  Sa bilang na ito, 178 ang nabigyan na ng pangalawang dosis.

 

 

Ipagpapatuloy na din ng Navotas ang pagbabakuna sa mga senior citizen kasunod ng pagpasya ng Food and Drug Authority (FDA) na payagan na sila sa Sinovac Biotech’s CoronaVac vaccine.

 

 

“Amidst the continuous increase in COVID-19 infections and the delay in the delivery of other vaccines, we welcome the decision of the FDA to allow seniors to have the CoronaVac jab,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

“It is urgent that we vaccinate all our seniors as soon as we can. They are one of the most vulnerable sectors and they need to be protected immediately from this deadly disease,” sabi niya.

 

 

As of April 12, ang Navotas ay nakapagbakuna na ng 892 seniors at 1,686 persons with comorbidity. (Richard Mesa)

Other News
  • BI, MAG-OPERATE NG SKELETON WORKFORCE

    INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na ang kanilang punong tanggapan, satellite at mga extension offices sa Metro Manila ay mag-operate ng skeleton workforces at iiksihan ang kanilang working hours kasunod ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa  Aug. 6.       Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ang bagong work scheme […]

  • ‘Sana okay siya’: CHED chair dumistansya sa naarestong kapatid na CPP-NPA member kuno

    DUMISTANSYA ang pamunuan ng Commission on Higher Education (CHED) sa pagkakahuli ng isang miyembro diumano ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippine (CPP-NPA) na siyang kamag-anak ng isa sa kanilang opisyal.     Huwebes kasi nang ianunsyo ni PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. na naaresto sa Metro Manila […]

  • Posibleng pagtaas sa kaso ng COVID 19, maaaring maganap anumang araw

    ANUMANG araw ay posibleng magsimula ng tumaas muli ang kaso ng COVID 19 sa bansa.     Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research sa Laging Handa Public briefing na kanilang ibinase ang kanilang projection sa pagkakahalintulad ng characteristics ng Pilipinas sa South Africa at New Dehli sa India na ngayoy inaatake naman ng […]