NAVOTAS, PSA SINIMULAN NA ANG PAGPAPATALA PARA SA NATIONAL ID
- Published on June 3, 2021
- by @peoplesbalita
SINIMULAN na nang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pakikipagtulungan sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagpapatala ng biometric ng Navoteños sa Philippine Identification System (PhilSys).
“The national ID will give them not just proof of their identity, but will make it easier for Navoteños to avail of all social services and government benefits applicable to them,” ani Mayor Toby Tiangco.
Ilang mga residente ng Brgys. Bagumbayan South, Bangkulasi, North Bay Boulevard North (NBBN), San Roque, Sipac-Almacen, Tanza 2, Tangos North at South ang nakakumpleto nan g unang step sa national ID registration.
Nauna rito, nagsagawa ang mga tauhan ng PSA ng house-to-house interviews sa naturang mga barangay para sa demographic data collection kung saan ang mga residente na nakumpleto ang Step 1 ay sumasailalim na sa biometric enrollment.
Hinihikayat naman ang mga Navoteño na hindi na-interview ng PSA na magparehistro sa PhilSys online portal, sa sandaling ito ay magagamit para sa mga residente ng lungsod.
Sa Step 2, ang supporting documents ng nagparehistro ay ipapakita ang kanyang demographics para mai-encode, ang kanyang biometric ay makukuha at maitatala, at siya ay bibigyan ng isang transaction slip.
Magkakasabay na isasagawa ang registrations sa apat na venues sa lungsod kabilang ang Navotas City Hall mula May 31 – June 3; Brgy. NBBN Covered Court, June 1–August 10; Navotas City Library, June 3–December 30; at Brgy. Tanza 2 Multi-Purpose Hall, June 5–October 30.
Kapag available na ang National ID, ipapadala ito sa address ng nagparehistro at ipakita ang kanyang transaksyon slip at anumang patunay ng pagkakakilanlan upang makuha ang ID. (Richard Mesa)
-
ABS-CBN, humingi ng tawad kay Duterte sa ‘di pag-ere ng ilang 2016 poll ads nito
Humingi ng tawad sa Senate hearing si ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak kung sumama ang loob ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-ere ng network ng isang kontrobersiyal na political advertisement noong 2016. “We are sorry if we offended the president. That was not the intention of the network. We felt that […]
-
Detalye ng mga nakuhang investment deal sa weekend Singapore trip, ilalabas
ISASAPUBLIKO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang detalye ng kinalabasan ng kaniyang pagtungo sa Singapore nitong nagdaang weekend. Sinabi nitong naging produktibo ang kaniyang byahe sa Singapore at may kinalaman dito ang ginawa niyang panghihikayat sa ilang investors para maglagak ng puhunan sa bansa. Kaugnay nitoy idinagdag ng Pangulo na […]
-
PBBM, committed na gawing maayos ang buhay ng mga pinoy- Malakanyang
COMMITTED si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing mas maayos ng buhay ng mga filipino sa post-pandemic economy. Ang pahayag na ito ni Undersecretary Cheloy Garafil, officer-in-charge ng Office of the Press Secretary ay matapos lumabas ang isang survey na nagpapakita na mayorya ng mga filipino ang naniniwala na patungo sa tamang direksyon ang PIlipinas […]