• April 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTEÑOS HINIKAYAT NA MAGPABAKUNA

NANAWAGAN si Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco sa kanilang kababayan Navoteños na huwag palampasin ang pagkakataon magpabakuna ng Moderna at Pfizers vaccines na mayroon ang Pamahalaang Lungsod ngayon.

 

 

Ito’y matapos makarating sa kanila na sa 3,000 slots ng Moderna vaccine na nakalaan ay 948 lamang ang dumating para magpabakuna.

 

 

Labis silang nanghinayang dahil ang Moderna at Pfizer vaccines anila ang dalawa sa pinakamabisang bakuna sa Covid-19 variant na Delta na lubhang nakakahawa.

 

 

Ayon kay Mayor Tiangco, kapag hindi mauubos ang mga inilaan na Moderna vaccine sa pamahalang lungsod hanggang August 31, 2021, babawiin ito at mapupunta sa ibang Local Government Unit (LGU) na may mas mahigit na pangangailangan.

 

 

“Napakataas na po ng mga kaso natin at sa buong Pilipinas at ayon sa mga dalubhasa, tataas pa po ito. Kapag po kayo’y hindi bakunado, mas mataas ang tyansa na tamaan kayo ng Covid-19 ng malubha at ma-ospital o mamatay dahil dito. Kung hindi po kayo bakunado, hindi lamang po kayo ang nasa higit na peligro kundi pati na rin ang mga minamahal sa buhay at ang mga malalapit sa inyo,” ani Cong. Tiangco.

 

 

Ani Cong. JRT, maaaring mag-walk in ang lahat ng mga senior citizen, buntis, o PWD at uunahin silang asikasuhin sa lahat ng vaccination sites.

 

 

Bumisita lang sa pahina ni Mayor Tiangco at sa Navoteño Ako – Navotas City Public Information Office para sa mga karagdagang impormasyon at mga anunsyo. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads September 21, 2021

  • May pantapat na ang TV5 kina Luis at Dingdong: JOHN, first-timer pero swak na swak na host ng ‘SPINGO’

    ANG larong Bingo na paborito ng mga Pilipino ay may bagong bihis na nagdadala ng susunod na antas ng paglalaro sa Philippine TV.     Sa pamamagitan ng international format, kasama ang first-time game show host na si John Arcilla, ipakikilala ng TV5 ang SPINGO, isang game show na maghahandog ng interactive na karanasan para […]

  • Notoryus na Chinese plane pickpocket, nasabat sa NAIA

    NASABAT ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Chinese national na sangkot sa pagnanakaw sa kanilang biyahe sa Manila.   Kinilala ni BI Officer-in-Charge Joel Anthony Viado ang tatlo na sina Lyu Shuiming, 48; Xu Xianpu, 41; and Xie Xiaoyong, 54 matapos silang i- report ng mga opisyal ng BI sa Ninoy […]