• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nazario sampa sa propesyonal

UMANGAT ang coaching career ni De La Salle University Green Archers coach Gian Nazario dahil sa ginanap na balasahan ng isang team sa Philippine Basketball Association (PBA) nang italaga silang isa sa dalawang bagong assistant coach ng Terrafirma nito lang isang araw.

 

 

Isinama siya sa bagong nirolyong coaching staff sa ilalim ni coach Johnedel Cardel.

 

 

Ang isa pang kasama ay si ex-professional player star Ronald Tubid na huling nagsuot ng uniporme ng San Miguel Beer.

 

 

Kapalitan nina Tubid at Nazario sina Hubert Delos Santos at Arthur Dela Cruz.

 

 

Nagsilbi rin si Nazario na bench tactician ng La Salle Green Archers sa 82nd University Athletic Asociation of the Philippines (UAAP) 2019-2020.

 

 

Bagama’t may raket man sa pambansang liga, mananatili pa rin siyang assistant coach ng Taft-based dribblers kasama ang humalili sa kanyang coach na si Frederick ‘Derrick’ Pumaren. (REC)

Other News
  • Russian at Belarusian pwedeng sumali sa 2024 Paris Olympics

    Kinontra ng Ukraine ang pagpayag ng International Olympic Committee (IOC) na makapaglaro sa 2024 Olympic Games sa Paris ang mga atleta ng Russia at Belarus.   Ang nasabing desisyon ay base sa ginawang pagpupulong ng IOC members, lobal network of athletes representatives, International Federations at National Olympic Committee.   Saad ng IOC na wala dapat […]

  • Presyo ng mga bigas, magiging stable -DA

    KUMPIYANSANG sinabi ng Department of Agriculture (DA)  na magiging stable na ang presyo ng bigas at palay dahil magsisimula na  ang pag-ani ng mga  nasabing pangunahing tanim ngayong Setyembre at Oktubre.     Target ang initial harvest na  5 milyong metriko tonelada.     Base sa Philippine Rice Information System (PRiSM), tinatayang “as of August […]

  • IMMIGRATION, INILAGAY SA HEIGHTENED ALERT NGAYON HOLIDAY SEASON

    INILAGAY sa heightened alert ng Bureau of Immigration ang lahat ng kanilang mga tauhan sa iba’t ibang ports of entry nitong holiday season.   Dahil dito, ipinag-utos ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang kanyang mga immigration officers na naka-deploy sa iba’t ibang international airports at seaports na magdagdag ng karagdagang pagbabantay sa mga padating at […]