• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NBA at Irving todo abang sa magiging anunsiyo ng New York na pagtanggal sa vax mandate

TODO ABANG  na ngayon ang NBA lalo na ang Brooklyn Nets superstar na si Kyrie Irving kaugnay sa magiging anunsiyo bukas ng lokal na pamahalaan ng New York na papayagan na ring maglaro ang hindi mga bakunadong players laban sa COVID-19.

 

 

Ang naturang pagluluwag sa restrictions sa mga unvaccinated ay idedeklara ni New York City Mayor Eric Adams.

 

 

Kung maalala dahil sa higpit ngayon sa naturang estado ay hindi tuloy nakalaro sa kanilang home court si Irving na inabot ng 35 mga games.

 

 

Sinasabing napakahalaga ng papel ni Irving sa huling mga laro ng Nets lalo na at naghahabol ang koponan na mapabilang sa NBA playoffs.

 

 

Samantala hindi lamang ang NBA ang makikinabang sa pagtanggal sa naturang patakaran laban sa mga hindi bakunadong players kundi maging sa lahat ng mga private businesses at iba pang mga professional athletes at mga performers sa siyudad ng New York.

Other News
  • 72 DRINKING FOUNTAINS IPINAGKALOOB SA MGA PAMPUBLIKONG ESKWELAHAN SA LUNGSOD QUEZON

    BILANG bahagi ng ika 26 anibersaryo ng Manila Water ngayong Agosto, inilunsad nito sa pamamagitan ng Manila Water Foundation (MWF) ang “Project Drink 72” na nagkaloob ng refrigerated drinking fountains (RDFs) sa 72 pampublikong eskwelahan sa lunsod Quezon.     Ipinagkaloob ng Manila Water ang RDFs sa unang 20 pampublikong iskwelahan na ginanap sa Balara […]

  • Incoming DSWD chief Tulfo, gustong itaas sa P1,500 ang monthly pension ng indigent seniors

    SINABI ni incoming Department of Social Welfare and Development (DSWD) chief Erwin Tulfo na ipapanukala niya na itaas ang social pension ng mga indigent senior citizens sa P1,500 mula sa P500 sa oras na maupo na siya sa puwesto sa ilalim ng incoming Marcos administration.     Sa Kapihan sa Manila Bay forum, binigyang diin […]

  • Ads October 27, 2023