• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NBA draft inilipat sa Nov. 18

Itinakda sa November 18 ang 2020 NBA draft.

 

Ito ay para may panahon pa sila para kumpirmahin ang pagsisimula ng susunod na NBA season.

 

Ayon sa NBA, ang revised date ay mabibigyan nang karagdagang panahon para sa pagsasagawa ng 2020 pre-draft process, pagkuha ng iba pang impormasyon tungkol sa pagsisimula ng 2020-21 season.

 

Magugunitang nakuha ng Minnesota Timberwolves ang number one overall pick sa draft habang mapupunta sa Golden State Warriors ang pangalawang puwesto at ang Charlotte Hornets naman ay masusungkit ang third pick.

 

Paglilinaw naman ng NBA, maaaring mabago pa ang nasabing petsa.

Other News
  • Puring-puri sa pagiging Vice Governor: EJAY, magtatapos sa special course tungkol sa Local Governance

    ISA ang aktor na si Ejay Falcon sa mga taga-showbiz na natagumpay na pasukin ang mundo ng pulitika.  Kasalukuyang nakaupo bilang bise gobernador ng Oriental Mindoro si Ejay. Kahit na tuloy tuloy pa ring tumatanggap ng showbiz projects ay hindi rin naman napabayaan ng aktor/politician ang kanyang pagiging public servant. Kinayang pagsabayin ang kanyang trabaho […]

  • Ads April 18, 2024

  • Ads May 12, 2021