NBA: James Harden, Nikola Jokic nasa Orlando na matapos ang mga delay
- Published on July 16, 2020
- by @peoplesbalita
Nakarating na sa Walt Disney World Resort Campus sa Orlando, Florida si NBA star James Harden para humabol sa Houston Rockets na naghahanda sa muling pagpapatuloy ng 2019-20 season.
Ngayong Miyerkules nang dumating sa Florida si Harden, limang araw matapos mauna ang kanyang team na Houston Rockets na magtungo sa campus.
Hindi naman idinetalye ng Rockets ang dahilan kung bakit nahuli ng dating si Harden.
Sa kabilang dako, umaasa naman ang Houston na makakasama na nilang muli si All-Star guard Russell Westbrook sa NBA bubble sa mga susunod na araw.
Kamakailan kasi nang magpositibo sa coronavirus si Westbrook, bago pa man bumiyahe patungong Orlando ang koponan.
Kinakailangan munang magnegatibo si Westbrook nang dalawang beses bago ito payagang makapasok sa loob ng NBA bubble.
Samantala, nasa loob na rin ng NBA bubble ang big man na si Jokic, na naantala ang biyahe sa Amerika makaraang dapuan ng coronavirus.
Batay sa ulat, bagama’t tapos na raw ni Jokic ang 48-hour quarantine ng NBA, hindi pa raw ito pinapayagang lumahok sa ensayo ng team.
Kinakailangan daw munang sumailalim ni Jokic sa testing bago makasama ang Nuggets sa practice court.
Sa Hulyo 31 oras sa Pilipinas muling magpapatuloy ang mga laro sa NBA kung saan maghaharap ang Utah Jazz at New Orleans Pelicans, maging ang magkaribal na Los Angeles Lakers at Clippers.
-
Pinay gymnasts pumitas ng 3 ginto sa Hungary
Sa pagkakataong ito, Pinay gymnasts naman ang nagpasiklab sa international scene matapos humakot ng tatlong ginto at dalawang pilak na medalya sa 2020 Santa’s Cup na idinaos sa Budapest, Hungary. Nanguna sa kampanya ng Pilipinas si Southeast Asian Games champion Daniela Reggie Dela Pisa matapos kumana ng dalawang gintong medalya. Pinagreynahan ni Dela […]
-
PDu30, nagsagawa ng aerial inspection sa ‘Agaton’-hit Baybay City
KAHIT Biyernes Santo o Mahal na Araw ay nagsagawa pa rin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang aerial inspection sa Baybay City, lalawigan ng Leyte, isa sa mga lugar sa Eastern Visayas na hinambalos ng Tropical Depression Agaton ngayong linggo. Kasama ng Pangulo si Senador Christopher “Bong” Go, na lumapag sa Ormoc City. […]
-
Ads March 10, 2020