NBA legend Bill Russell pumanaw na, 88
- Published on August 2, 2022
- by @peoplesbalita
PUMANAW na si NBA Legend Bill Russell sa edad na 88-anyos.
Kinumpirma ito ng kanyang kampo, subalit hindi na binanggit pa ang sanhi ng kaniyang pagpanaw.
Isang kilalang basketbolista si Russel mula pa noong ito ay nasa high school pa.
Nagwagi ito ng dalawang state championsip sa high school, dalawa sa NCAA titles at gold medal sa Olympics.
Naging susi rin siya sa pagkuha ng Boston Celtics ng 11 kampeonato noong ito ay naglalaro.
Habang noong naging playing coach ay nakakuha ito ng dalawang kampeonato.
Itinuturing na isa siya sa “Greatest Of All Time” sa kasaysayan ng NBA si Russel bilang ebidensiya ay ipinangalan sa kaniya ang NBA Finals MVP award.
Dalawang beses din siyang kinilala sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame na una ay noong siya ay player pa lamang noong 1975 at pangalawa bilang coach noong 2021.
Ilan sa mga nakamit nitong pagkilala ay ang pagiging All-Star appearance, NBA First-Team mentions at maraming iba pa.
Nagretiro siya sa paglalaro noong 1998 matapos ang tatlong dekada sa sports.
-
Ads September 19, 2020
-
Quiboloy nanikip dibdib, isinugod sa ospital
ISINUGOD sa Philippine Heart Center si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Leader Pastor Apollo Quiboloy nang makaramdam ng paninikip ng dibdib. Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson PBGen. Jean Fajardo sa press briefing kahapon sa Kampo Crame. Ayon kay Fajardo, Huwebes, Nobyembre 7 nang dumaing ng paninikip ng dibdib at […]
-
Motorbikes, main road killer sa Metro Manila nang taong 2019
HALOS marami pa sa kalahati ng 394 na road crash deaths ang naitala noong nakaraang taon na motorbikes ang dahilan kung kaya’t sila ang tinatawag na main killer sa kalsada sa nalikom na data mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Sa isanglates report mulasa Metro Manila Accident Reporting and Analysis System (MMARAS), may […]