NBA MVP Nikola Jokic sinuspinde ng NBA; Morris at Butler ng Miami minultahan
- Published on November 12, 2021
- by @peoplesbalita
Sinuspinde ng NBA ng isang game ang Denver Nuggets star at reigning MVP na si Nikola Jokic dahil sa sinasadyang pagtulak sa Miami Heat forward na si Markieff Morris nitong nakalipas na Martes.
Dahil dito ang tinaguriang franchise center ay hindi makakalaro sa Huwebes kontra Indiana Pacers at wala ring sweldo sa isang araw.
Samantala si Morris naman ay pinatawan ng multa dahil sa flagrant foul kay Jokic na umaabot sa $50,000.
Ang Miami star naman na si Jimmy Butler ay hindi rin nakaligtas nang patawan naman ng $30,000 bunsod nang paghahamon kay Yokic upang ipagtanggol ang teammate na si Morris.
-
2 seniors, 7 pa, kalaboso sa P694K shabu sa Malabon
KULUNGAN ang kinabagsakan ng siyam na bagong identified drug personalities, kabilang ang 63-anyos na lola at 61-anyos na lolo matapos makuhanan ng halos P.7 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon City. Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, alas-2:40 ng madaling araw isagawa ng […]
-
Flexi work ‘bagong normal’ sa gobyerno – CSC
IPATUTUPAD pa rin ang “flexible work arrangement” sa gobyerno at ituturing na “bagong normal” matapos makita ng Civil Service Commission (CSC) na epektibo ito kahit na matapos ang pandemya. Sinabi ni CSC commissioner Aileen Lizada na ang institutionalization ng flexible work arrangement ang sagot ng komisyon sa bagong normal para sa gobyerno upang […]
-
Mga pasaherong sumasakay sa EDSA Busway noong 2021 umabot na sa mahigit 47 million – DOTr
UMABOT sa 47,104,197 ang bilang ng mga pasaherong naitala na sumasakay noong taong 2021 sa EDSA Busway na mas kilala rin bilang EDSA Carousel. Batay sa datos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nasa mahigit 2 million na mga commuter ang kanilang naitatala sa unang tatlong buwan ng taong 2021. […]