NBI, ipatatawag si VP Sara kaugnay sa ‘banta’ kay PBBM
- Published on November 26, 2024
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG ipatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vice President Sara Duterte habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang gobyerno ukol sa “kill order” ng huli laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa press briefing sa Malakanyang, araw ng Lunes, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na nagsimula na ang ahensya ng pag-iimbestiga nito sa ‘online threat’ ni VP Sara.
Sinabi ni Santiago na hiniling na ng NBI sa social media giant na Facebook na ipreserba at ingatan ang video para sa nagpapatuloy na imbestigasyon, sinasabi pa na ang video ay authentic at hindi AI (artificial intelligence)-generated.
Ayon naman kay Justice Undersecretary Jesse Andres, mamadaliin ang imbestigasyon at haharapin ng may “full force of the law,” lalo pa’t ang banta ay may kinalaman sa buhay ng isang pinakamataas na opisyal ng Pilipinas.
“Ang imbestigasyon po na gagawin ng gobyerno ukol sa bagay na ito ay agaran. Importante pong malaman kung ano ang mga naging hakbang para kumuha ng serbisyo ng isang mamamatay tao na nagpaplano ng masama sa ating Mahal na Pangulo,” ayon kay Andres.
“Gagawin po ng NBI ang lahat ng hakbang para matunton ang identity nito, kasama ang pag-issue ng subpoena kay Vice President Sara na humarap sa NBI para bigyang kaliwanagan ang kanyang mga pananalita,” dagdag na wika nito.
Magugunita na unang sinabi ni VP Sara na may inutusan siya para patayin si Pangulong Marcos, First Lady Liza;at Romualdez kapag siya ay napatay.
Ang pagbabanta ni VP Sara ay ginawa nang ang kanyang chief-of-staff, ang Office of the Vice President (OVP) Undersecretary Zuleika Lopez ay na-contempt at nakulong sa House custodial facility nang aminin na hiniling niya sa COA auditors na huwag mag-comply sa patawag ng Kongreso tungkol sa paggamit ng OVP sa confidential funds. (Daris Jose)
-
Hamon ni PBBM kay Quiboloy: “Magpakita ka at harapin ang akusasyon laban sa iyo!”
HINAMON ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy na lumutang, magpakita at matapang na harapin ang akusasyon na ibinabato laban sa kanya. Sa isang ambush interview, hiningan ng reaksyon si Pangulong Marcos ukol sa pagkuwestiyon ng kampo ni Quiboloy sa motibo ng mga indibiduwal na nag-alok ng P10 […]
-
Bonus na lang sa stars ang acting awards: ALLEN, mas gustong kumita ang movie para makabawi ang producers
BILANG isang multi-awarded actor, parehong mahalaga kay Allen Dizon ang box office at acting award. “In terms of producer, siyempre dapat box office, in terms of ako bilang artista, siyempre award. “Pero sana both, di ba? May mga kita na yung producer and may award pa ang mga artista. “Sana… para sa […]
-
Tuloy na launching ng pinakaunang modern bank notes sa PH na hindi na tao, kundi national animal
PERSONAL na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglulunsad ng bagong P1,000 polymer banknotes. Ito ang kauna-unahang modern bank notes sa Pilipinas na hindi na tao, kundi national animal ang nakalagay. Isasagawa ito sa Malacanang sa kabila ng naunang kontrobersyal na pagkakamali sa spelling ng Philippine Eagle sa pre-design ng nasabing […]