• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NBI, NAG-IIMBESTIGA SA MGA FIXERS SA BI

PINAKIKILOS  na rin ng Department of Justice (DOJ)  ang National Bureau of Investigation (NBI)  upang imbestigahan ang naiulat na bagong modus sa loob ng tanggapan gn Bureau of Immigratuon (BI).

 

 

Partikular na ipinag-utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra  ang mga fixers  sa BI na iligal na nagpapasok ng mga Chinese national sa pamamagitanm ng pagproseso ng kanilang  pasaporte at visa sa bansa.

 

 

“I have directed the NBI to expand its investigation of ‘fixers’ activities at the BI and find out who their cohorts are among the BI personnel, so that appropriate administrative and criminal charges may be filed against them,” ayon kay Guevarra.

 

 

Ito ay kasunod ng pagkakadakip ng mga ahente ng NBI sa isang accredited liaison officer na umanoy empleyado ng law firm.

 

 

Ito ay sa kabila ng kontrobersya sa BI ukol sa “pastillas scam” na malaking sindikato na nagpapasok ng Chinese nationals kapalit ng pera at maging sex service.  Nasa 86 tauhan na ng BI ang nahaharap ngayon sa mga kasong kriminal at administratibo dahil sa pagkakasangkot dito.

 

 

Pinasalamatan naman ni BI Commissioner Jaime Morente ang NBI sa isinagawang operasyon at  maging si Senador Risa Hontiveros sa kaniyang imbestigasyon ng umano’y bagong modus.

 

 

“We fully support the good Senator Risa Hontiveros in her call for an investigation on syndicates that sell fake passports and ‘fix’ documents of illegal aliens,” ayon kay Morente.

 

 

“We commend the National Bureau of Investigation’s (NBI) arrest of a travel agent allegedly involved in fixing the documents of three Chinese nationals,” dagdag pa niya.

 

 

Sinabi ni Morente na matagal na niyang ipinananawagan ang tulungan ng lahat ng ahensya para tuluyang mapuksa ang sindikato sa BI.  Sa kaniyang panig, nagpatupad na siya ng mga aksyon laban sa mga nasangkot sa Pastillas Scam at patuloy na pinalalakas ang kanilang anti-corruption program. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Ads March 4, 2021

  • Pamahalaan nakaalerto sa mga magtatangkang ibenta ang bakuna kontra COVID-19

    NAGBABALA ang Malakanyang laban sa mga posibleng magsamantala at pagkaperahan ang COVID-19 vaccine.   Ang paalala ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko ay libre ang bakuna at hindi ito ibinebenta.   Aniya, walang bayad ang bakuna sabay panawagan sa publiko na ipagbigay alam sa kanila ang anumang impormasyon na may nagbebenta ng COVID vaccine. […]

  • May thanksgiving fans day: BARBIE at DAVID, magkaka-movie at bagong teleserye

    SIMULA na ngayong gabi ang huling linggo ng GMA-7’s top-rating historical fantasy portal drama series na “Maria Clara at Ibarra.”      Kaya nagpasalamat si Tirso Cruz III, who portrayed the role of Padre Damaso, ang tunay na ama ni Maria Clara sa “Noli Me Tangere,” ang librong isinulat ni Dr. Jose Rizal.     […]