NBI PASOK SA IMBESTIGASYON SA ABOGADO SA COTABATO
- Published on September 22, 2021
- by @peoplesbalita
MAGSASAGAWA na rin ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pagpatay sa isang abodago sa South Cotabato na si Juan Macababbad.
Ito ay matapos ipag-utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra nitong Lunes sa pamamagitan ng Department Order No. 222 kay NBI Officer-In-Charge Eric Distor na magsagawa ng imbestigasyon at case buid-up sa pagkamatay ni Macababbad’s.
Ang 68 anyos na abogado ay binaril sa harap ng kanyang bahay sa Barangay Poblacion, Surallah, South Cotabato noong September 15.
Iniulat na nakakatanggap na ito ng mga death threats bago pa man nangyari ang pamamaril.
Ang mga hinawakang mga kaso ng human rights lawyer ay kadalasan sa mga mangsasaka, mangingisda, i for al settlers at biktima ng umano’y extra-judicial killings.
Magkakaroon naman ng public viewing sa kanyang labi hanggang September 23 sa kanyang bahay habang ang kanyanv libing ay gagawin sa Koronadal Valley Eternal Garden kinabukasan.
“We request that families, friends, and colleagues who will attend the wake should strictly observe health guidelines and protocols. Let us be vigilant in keeping everyone’s health and safety a priority. We also ask that those who have health vulnerabilities to just stay at home. Your thoughts and prayers are very much appreciated,” bahagi ng post sa Facebook ng kanyang pamilya nitong Linggo.
Hiling din ng kapatiran ng abogado mula sa Ateneo Law School-based Fraternal Order of Utopia ang masusing imbestiagsyon sa krimen.
“These attacks must end,” the group said while calling on authorities for a “fair, full, and speedy investigation”, pahayag naman ng Integrated Bar of the Philippines – South Cotabato at General Santos City sa pagpatay kay Macababbad na itinuring na isang matapang na tagapagtaguyod ng hustisya at mga karapatang sibil. GENE ADSUARA
-
Ads February 21, 2022
-
Isinugod sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan: JULIE ANNE, nanghinayang na ‘di nakasama sa concert ni REGINE
Nanghinayang si Julie Anne San Jose na hindi siya nakasama sa concert ni Asia’s Songbird Regine Velasquez matapos siyang isugod sa ospital. Dinala si Julie sa ospital dahil sa matinding pananakit ng tiyan at migraine. Ayon sa Asia’s Unlimited Star, nakapag-ensayo na siya isang araw bago ang naturang concert ni Regine. Kaya naman […]
-
Higanteng Christmas tree, pinailawan sa Navotas
DAMANG-DAMA na ang simoy ng kapaskuhan sa Lungsod ng Navotas, kasunod ng pagpapailaw sa higanteng Christmas tree at fireworks display sa Navotas Citywalk at Amphitheatre. Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang kanyang mga anak at iba pang opisyal ng lungsod, ang lighting ceremony, ribbon-cutting ng Navotas Christmas Bazaar, gayundin ang […]