NBI, posibleng pumasok na rin sa imbestigasyon sa umano’y ‘tongpats system’ sa DA – DoJ
- Published on March 19, 2021
- by @peoplesbalita
Nakahanda raw ang Department of Justice (DoJ) na imbestigahan ang kontrobersiya sa “tongpats sytem” sa Department of Agriculture (DA).
Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra, sa ngayon ay kinakailangan lamang na makakuha sila ng mga impormasyon hinggil sa sinasabing tongpats o suhulan sa DA partikular sa meat importation.
Tinitiyak ng kalihim na sa sandaling makita niyang may sapat na basehan para sa malalimang imbestigasyon ay agad niya itong ire-refer sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa Task Force Against Corruption.
Ang naturang alegasyon ng tongpats sa imported pork ay pinaiimbestigahan na ni DA Sec. William Dar.
Pero sa ayon sa Pork Producers Federation of the Philippines, mas makabubuti kung ang DOJ o ang NBI ay manghimasok at magsiyasat sa sinasabing problema sa DA.
Umaasa rin ang mga magbababoy na matutulungan sila ni Sec. Guevarra hinggil sa kanilang problema sa DA na imbes na pumapanig sa kanila ay nagpapahirap pa raw sa mga magsasaka na apektado na nga ng smuggling, African Swine Fever at sobra-sobrang importasyon. (Daris Jose)
-
Tres Marias huli sa P1.3M droga
ARESTADO ang tatlong “maria” na sangkot umano sa iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Maynila. Unang naaresto at nahaharap sa kasong paglabag sa Selling, Distribution and Transportation of Dangerous Drugs, Illegal Possesion of Dangerous Drug ang mga suspek na sina Asia Ambang, alyas Madam, 30, nakatira sa Golden […]
-
Ads September 20, 2023
-
PBBM admin mapapabuti ang kapakanan ng guro; Tiangco
INIHAYAG ni Navotas Congressman Toby Tiangco na ang pagpapalabas ng mga bagong alituntunin para sa flexible na oras ng pagtuturo sa ilalim ng MATATAG basic education curriculum ay magpapabuti sa kapakanan ng guro at makatutulong na mapalakas ang learning competencies ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan. “I welcome the sustained efforts of […]