NCAA sasambulat sa June 13
- Published on May 24, 2021
- by @peoplesbalita
Matapos ang mahigit isang taon pagkakatengga, lalarga sa Hunyo 13 ang special edition Season 96 ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).
Pormal nang inanunsiyo kahapon ni NCAA Management Committee (Mancom) chairman Fr. Vic Calvo ng host school Colegio de San Juan de Letran ang petsa ng opening ceremony ng pinakamatandang collegiate league sa bansa.
Ang NCAA ang unang collegieate league sa Pilipinas na makapagsisimula sa gitna ng pandemya.
“We’re happy to be the first collegiate league in the country to open its season during the pandemic,” ani Calvo.
Espesyal ang edisyong ito ng NCAA dahil tanging skills-based events sa basketball at volleyball lamang ang itataguyod kumpara sa mga actual games.
Nakalinya rin ang online chess, taekwondo at poomsae.
Hindi pa pinapayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagsasagawa ng anumang amateur leagues gaya ng NCAA, UAAP at iba pang collegiate leagues.
Tanging mga professional leagues lamang ang pinapayagan sa pamamagitan ng isang bubble setup.
Kaya naman nagdesisyon ang pamunuan ng NCAA na mga events na hindi na nangangailangan pa ng face-to-face encounter ang ganapin sa taong ito.
Mapapanood sa GMA-7 ang mga events sa season na ito.
Ito ang unang pagkakataon na makakasama ng NCAA ang naturang network bilang broacast partner.
“With GMA as our media partner, expect a more creative way of doing sports under the new normal,” ani Calvo.
-
Isko, Lacson, Ka Leody, Sotto tanggap na ang pagkatalo
NAG-CONCEDE na kahapon ang mga kumandidatong presidente ng bansa na sina Manila Mayor Isko Moreno, Senator Panfilo “Ping” Lacson, labor leader Leody de Guzman at ang tumakbong bise presidente ni Lacson na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III. Sa pamamagitan ng post sa Twitter, sinabi ni Lacson na pamilya naman niya ang […]
-
TV5, pinagsusumite ng clearance para makakuha ng ‘go signal” ng NTC
DAPAT munang magsumite ang TV5 Network Inc. ng clearance mula sa iba’t ibang national government agencies at local government units bago aprubahan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang investment agreement nito sa ABS-CBN Corp. Sa isinagawang pagdinig sa House committees on legislative franchises and trade and industry, sinabi ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, […]
-
JOLLIBEE BINONDO, NILOOBAN
NILOOBAN ng hindi nakilalang salarin ang isang sangay ng fast food chain sa Binondo, Maynila kamakalawa ng kagabi. Sa ulat ng MPD-PS 11, alas 11:30 ng gabi ng pasukin ng suspek ang Jollibbee fastfood chain sa Quintin Paredes St., Binondo, Maynila. Nakasuot ang suspek ng facemask, short, T-shirt ,may katamtamang pangangatawan […]