NCH NASUNGKIT ANG HOSPITAL STAR AWARD
- Published on November 16, 2023
- by @peoplesbalita
MULING kinilala ng Department of Health (DOH), sa pamamagitan ng Health Facilities and Services Regulatory Bureau, ang Navotas City Hospital (NCH) bilang isa sa Top 15 Level 1 na ospital sa bansa.
Ang pagkilalang ito ay ibinigay sa NCH para sa pagtataguyod ng kalidad ng pangangalagang pangkalusugan habang patuloy na naghahanap ng pagbabago sa paghahatid ng pangangalaga sa pasyente.
Si Dr. Spica Acoba, NCH Medical Director, at Dr. Roan Salafranca, Chief of Clinics, ay tumanggap ng parangal sa seremonya ng 2023 DOH Hospital Star Awards na ginanap sa Iloilo City.
“We will continue to draw inspiration from this milestone to meet the challenges and further provide excellent medical and health facilities to our constituents,” ani Mayor John Rey Tiangco.
Ngayong taon, pinasinayaan ng Navotas ang mga karagdagang pasilidad sa kalusugan, kabilang ang isang bagong laboratoryo sa Navotas City Hospital at isang molecular laboratory sa Brgy. NBBS Dagat-dagatan. Naghahanda na rin ito para sa pagtatayo ng isang super health center sa Brgy. NBBS Kaunlaran.
“We are grateful to our hospital and healthcare workers for their unwavering commitment and compassion in caring for the health and wellness of Navoteños,” dagdag ni Taingco.
Ang mga nagwagi sa DOH Hospital Star Awards ay pinili sa pamamagitan ng masusing pagsusuri ng kanilang mga programa, aktibidad, inisyatiba, at inobasyon sa mga sumusunod na pamantayan: kaligtasan at pagkontrol sa impeksyon, pagbibigay ng serbisyo, kasiyahan ng customer at empleyado, mga aktibidad na nakabatay sa komunidad, pagpapabuti ng kalidad, at kasama ang pagharap COVID-19 pandemic. (Richard Mesa)
-
Ads January 3, 2024
-
MAG-DYOWA, 2 PA ARESTADO SA BUY-BUST
TINATAYANG 10 gra,o ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P680K halaga ang nasabat Manila Police District (MPD)-Station 5 sa apat na katao sa isinagawang buy bust operation sa Intramuros, Manila Lunes ng gabi. Kinilala ang mga suspek na si Aldwin dela Cruz, 43; at kasintahan nito na si Monica Orlanda y LLego,26; na […]
-
DepEd, tinitingnan ang ‘flexi’ implementation ng Matatag Curriculum
PINAG-AARALAN ng Department of Education (DepEd) ang posibilidad na ipatupad ang Matatag Curriculum ng ‘more flexibly’ habang tinutugunan ang learning gap ng bansa. Nilinaw ni Education Secretary Juan Edgardo Angara na mananatili ang Matatag Curriculum sa kabila ng dumagsang panawagan na alisin na ito. “However, the agency […]