NCR at 6 na lugar, mananatili sa ilalim ng GCQ
- Published on October 29, 2020
- by @peoplesbalita
MANANATILI sa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region, Batangas, Iloilo City, Bacolod City, Tacloban City, Iligan City at Lanao del Sur.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang taped message para sa bagong quarantine classification para sa Nobyembre 1 hanggang 30.
Sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga panukalang proposed community quarantine classifications ay nananatiling ‘subject to appeal’ mula sa concerned local government units.
Nauna rito, kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pupulungin ni Pangulong Duterte sa Davao City ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) para talakayin ito.
Aniya, rerepasuhin ng IATF ang rekomendasyon ng mga mayor ng Metro Manila na panatiliin sa GCQ ang Metro Manila hanggang sa katapusan ng taon.
Umiiral ang GCQ sa NCR mula pa noong Hunyo.
Samantala, mas marami nang negosyo at establisimyemento ang pinayagang mabuksan bilang bahagi ng unti-unting pagbubukas ng ekonomiya. (Daris Jose)
-
Presyo ng tinapay posibleng tumaas sa mga susunod na linggo
POSIBLENG sa mga susunod na mga linggo magkakaroon na ng mga paggalaw sa presyo ng mga tinapay. Ayon kay Luisito Chavez ang director ng Assosasyon ng Panaderong Pilipino, na ito ay dahil sa ilang paggalaw din sa presyo ng mga sangkap na paggawa ng mga tinapay. Isa sa tinukoy nito ay […]
-
Ads April 17, 2024
-
QC nagkaloob ng P100M para sa EDSA busway ramps
Ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ay nagkaloob ng P100 million para sa konstruksyon ng elevated ramps sa kahabaan ng EDSA. Ito ang sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin Abalos matapos ang ginawang inspection sa Balintawak market noong makalawang araw. Ang Department of Transportation (DOTr) at Department of Public […]