• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR at 7 lalawigan, inilagay sa ilalim ng Alert Level 2 simula Pebrero 1

INILAGAY ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang National Capital Region at 7 iba pang lalawigan sa ilalim ng Alert Level 2, simula Pebrero 1.

 

 

Ang iba pang lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 ay Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal sa Luzon; Biliran at Southern Leyte sa Visayas; at Basilan sa Mindanao.

 

 

Samantala, inilagay naman sa Alert Level 3 ang mga sumusunod na lungsod at lalawigan:

  • Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga at Mountain Province;
  • Region I: Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan;
  • Region II: City of Santiago, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino;
  • Region III: Angeles City, Aurora, Bataan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac at Zambales;
  • Region IV-A: Batangas, Laguna, Lucena City and Quezon Province;
  • Region IV-B: Marinduque, Romblon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro at Puerto Princesa City;
  • Region V: Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Naga City at Sorsogon.
  • Region VI: Aklan, Antique, Bacolod City, Capiz, Iloilo City, Iloilo, Negros Occidental at Guimaras;
  • Region VII: Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Bohol, Cebu, Negros Oriental at Siquijor; at
  • Region VIII: Ormoc City, Tacloban City, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar at Western Samar.
  • Region IX: City of Isabela, Zamboanga City, Zamboanga Del Sur, Zamboanga del Norte at Zamboanga Sibugay;
  • Region X: Bukidnon, Cagayan de Oro City, Iligan City, Lanao del Norte, Misamis Occidental at Misamis Oriental;
  • Region XI: Davao City, Davao Del Sur, Davao Del Norte, Davao Oriental at Davao de Oro;
  • Region XII: General Santos City, North Cotabato, Sarangani, South Cotabato at Sultan Kudarat;
  • Region XIII: Surigao del Norte, Surigao Del Sur, Agusan Del Norte, Agusan del Sur at Butuan City; at
  • Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao: Maguindanao, Cotabato City at Lanao Del Sur.

 

 

Ang mga nasabing Alert Levels ay epektibo mula araw ng Martes, Pebrero 1 hanggang Pebrero 15, 2022.

 

 

Samantala, ia-anunsyo ngayon ng Malakanyang kung ano ang Alert Level para sa lalawigan ng Ifugao para sa panahon na mula Pebrero 1 hanggang 15, 2022.

 

 

Sinabi ni Nograles na ngayon pa kasi aaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF), Enero 31, 2022 ang usaping ito. (Daris Jose)

Other News
  • DOE, NIA tinintahan ang kasunduan para sa pagpapalawak ng renewable energy access

    TININTAHAN ng Department of Energy (DOE) at National Irrigation Administration (NIA) ang isang memorandum of agreement na makapagbibigay ng mas malawak na access sa renewable energy sa bansa.     Sinabi ng  Presidential Communications Office (PCO), sa ilalim ng kasunduan,  gagamitin ng DOE  ang  “existing and under construction NIA irrigation facilities” kabilang na ang mga lugar […]

  • “Fast X” Will speed Its Way in Philippine Cinemas on May 17

    “Fast X”, the tenth film in the Fast & Furious Saga’s two-part conclusion, launches the final chapters of one of cinema’s most storied and popular global franchises, now in its third decade and still going strong with the same core cast and characters as when it began.     Over many missions and against impossible […]

  • Sec. Diokno, dedma lamang sa tsismis na papalitan siya sa puwesto

    DEDMA lang si Finance Secretary Benjamin Diokno sa “tsismis” na aalisin siya sa puwesto para ilipat at pamunuan ang Maharlika Investment Corporation (MIC).      Ipinagkibit-balikat lamang ni Diokno ang ulat na si Deputy Speaker Ralph Recto ang papalit sa kanya sa DoF.     Sinabi ni Diokno, tuloy lang ang kanyang trabaho bilang Kalihim […]