NCR, mananatili sa Alert level 2 hanggang katapusan ng Nobyembre
- Published on November 15, 2021
- by @peoplesbalita
MANANATILI sa Alert Level 2 ang National Capital Region, epektibo Nobyembre 15, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021.
Bukod sa NCR, ang mga lugar ng Nueva Ecija, Bataan, Aurora, Pampanga, Bulacan, Tarlac, Zambales, Olongapo at Angeles City sa Region III; Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Quezon at Lucena City sa Region IV-A; Bacolod City, Iloilo City, Negros Occidental, Capiz, Antique, Aklan, Iloilo Province at Guimaras sa Region VI; Negros Oriental, Lapu-Lapu City, Cebu City, Mandaue City, Cebu Province at Bohol sa Region VII; Cagayan de Oro City, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Bukidnon, Camiguin, Misamis Oriental at Iligan City sa Region X; at Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Occidental, Davao City, Davao del Sur at Davao Oriental sa Region XI ay nasa Alert level 2 sa kaparehong petsa.
Idagdag pa, sa ilalim ng Alert Level 2, epektibo Nobyembre 17, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021 ang City of Santiago, Cagayan at Isabela sa Region II; Albay, Sorsogon, Naga City, Camarines Sur, Camarines Norte at Masbate sa Region V; Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay at Zamboanga del Sur sa Region IX.
Sa kabilang dako, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force, na ilagay ang Catanduanes sa ilalim ng Alert Level 4 epektibo Nobyembre 17, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021.
Ang Baguio City sa Cordillera Administrative Region at Siquijor sa Region VII ay inilagay naman sa Alert Level 3 epektibo Nobyembre 15, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021.
Inilagay din sa ilalim ng Alert Level 3 ang Batanes, Quirino at Nueva Vizcaya sa Region II at ang City of Isabela at Zamboanga City sa Region IX mula Nobyembre 17, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021.
Samantala, nasa ilalim naman ng Alert Level 2, “effective immediately” hanggang Nobyembre 30, 2021 ang Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Dagupan at Ilocos Norte sa Region I; Tacloban, Southern Leyte, Samar (Western Samar), Ormoc City, Eastern Samar, Northern Samar, Leyte at Biliran sa Region VIII; South Cotabato, Sarangani, General Santos City, Sultan Kudarat at Cotabato (North Cotabato) sa Region XII. (Daris Jose)
-
Cardinal Tagle, binigyan ni Pope Francis ng dagdag posisyon sa Vatican
Itinalaga ni Pope Francis si Luis Antonio Cardinal Tagle bilang miyembro ng Congregation for the Oriental Churches. Ayon Vatican, dahil sa bagong trabaho ni Tagle ay patuloy na ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Oriental Catholic Churches para tulungan ang mga ito sa proteksyon ng kanilang karapatan at pagmantine sa pagkakaroon ng isang Catholic Church. […]
-
Sports facilities ng PSC, ikinandado; ilang staff nagpositibo sa coronavirus
Isinara simula ngayong araw (Agosto 12) ang dalawang pangunahing sports facilities ng bansa matapos magpositibo sa coronavirus ang ilang staff nito, ayon sa ulat. Base sa inilabas na memorandum ng Philippine Sports Commission (PSC), pansamantala muna nilang isasara ang Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at PHILSPORT Complex sa Pasig City upang magsagawa ng […]
-
IOC, nagbanta na parurusahan amg mga atleta na magpoprotesta sa Tokyo Olympics
Nagpaalala ang International Olympic Committee (IOC) sa mga atleta na dadalo sa Tokyo Olympics na huwag magbabalak na lumuhod at magtataas ng kamao bilang suporta sa racial equality. Ayon sa IOC na hindi sila magdadalawang isip na parusahan ang mga sinumang atleta na gagawin ang nasabing hakbang. Nakasaad kasi sa IOC […]