• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR mananatili sa GCQ – Duterte

INANUNSYO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mananatili sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Cebu City.

Sa public address ng Pangulo ay nauna nang binasa ni Health Secretary Francisco Duque ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na klasipikasyon ng quarantine sa iba’t ibang bahagi ng bansa na inulit naman ng Chief Executive.

“Ang ECQ ang pinakamataas kasi marami na ang taong may infection sa hospitals. Cebu city. Kayo lang,” ayon sa Pangulo.

Sa kabilang dako, mananatili pa rin ang Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ) hanggang Hulyo 15 kasama ang mga lalawigan ng Benguet, Cavite, Rizal, Leyte at Southern Leyte, at ang cities of Lapu-Lapu, Mandaue at Ormoc ay nasa ilalim din ng general community quarantine.

Ang Talisay City, na nauna nang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine, ay isinailalim sa general community quarantine, kasama ang mga bayan ng Minglanilla at Consolacion.

Habang isinailalim naman sa Modified General Community
Quarantine (MGCQ) ang mga sumusunod.

CAR: Abra, Baguio City, Ifugao, Kalinga

Region 1: Ilocos Norte, La Union, Pangasinan

Region 2: Cagayan, Isabela

Region 3: Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Angeles City

Region 4A: Batangas, Laguna, Quezon, Lucena City

Region 4B: Palawan, Puerto Prinsesa City

Region5: Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Naga City

Region 6: Capiz, Iloilo, Iloilo City, Negros Occidental, Bacolod City

Region 7: Cebu Province, Bohol, Negros Oriental

Region 8: Tacloban City, Western Samar

Region 9: Zamboanga City, Zamboanga del Sur

Region 10: Bukidnon, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Cagayan de Oro

Region 11: Davao del Norte, Davao del Sur, Davao City, Davao de Oro

Region 12: Cotabato, South Cotabato

Region 13: Agusan del Norte, Butuan City  (Daris Jose)

Other News
  • SHARON, aminadong na-shock sa pinagsasabi at pinaggagawa sa ‘Revirginized’; mas hahangaan ayon kay Direk DARRYL

    NAGBABALA si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang FB at IG post sa paglabas ng official trailer ng Revirginized noong Linggo nang gabi, July 4, na ‘wag itong panoorin ng mga bata dahil talaga namang nakaka-shock ang mga ginawa niya sa pagbabalik-Viva Films.     Panimula ni ni Mega, “(Important: BAWAL PO MANOOD ANG MGA BATA!) […]

  • MAUREEN, nagpasalamat sa supporters at nag-apologize sa kanyang ‘white lies’; trending ang pagpasok nila ni KISSES sa ‘MUP’

    NAGPASALAMAT ang first Filipina winner ng Asia’s Next Top Model na si Maureen Wroblewitz sa kanyang mga supporters sa Instgram, kasabay ng pag-a-apologize sa ‘di pagsasabi ng totoo tungkol sa pagsali niya sa 2021 Miss Universe Philippines.     Panimula ni Maureen sa kanyang post, “Surprise! I apologize for the white lies. As difficult as […]

  • International Olympic Committee chief, tiwalang marami pa ring manonood sa Tokyo Olympics

    Naniniwala si International Olympic Committee chief Thomas Bach na mayroon pa rin mga audience na manonood sa Tokyo Olympics.   Sa kaniyang pakikipagpulong kay Japanese Prime Minister Yoshihide Suga, may mga ipapatupad silang mga paghihigpit para hind magkaroon ng hawaan ng COVID-19.   Dahil sa nasabing gagawing paghihigpit ay asahan na ang pagkakaroon ng mga […]