• June 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR mananatili sa GCQ – Duterte

INANUNSYO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mananatili sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Cebu City.

Sa public address ng Pangulo ay nauna nang binasa ni Health Secretary Francisco Duque ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na klasipikasyon ng quarantine sa iba’t ibang bahagi ng bansa na inulit naman ng Chief Executive.

“Ang ECQ ang pinakamataas kasi marami na ang taong may infection sa hospitals. Cebu city. Kayo lang,” ayon sa Pangulo.

Sa kabilang dako, mananatili pa rin ang Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ) hanggang Hulyo 15 kasama ang mga lalawigan ng Benguet, Cavite, Rizal, Leyte at Southern Leyte, at ang cities of Lapu-Lapu, Mandaue at Ormoc ay nasa ilalim din ng general community quarantine.

Ang Talisay City, na nauna nang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine, ay isinailalim sa general community quarantine, kasama ang mga bayan ng Minglanilla at Consolacion.

Habang isinailalim naman sa Modified General Community
Quarantine (MGCQ) ang mga sumusunod.

CAR: Abra, Baguio City, Ifugao, Kalinga

Region 1: Ilocos Norte, La Union, Pangasinan

Region 2: Cagayan, Isabela

Region 3: Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Angeles City

Region 4A: Batangas, Laguna, Quezon, Lucena City

Region 4B: Palawan, Puerto Prinsesa City

Region5: Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Naga City

Region 6: Capiz, Iloilo, Iloilo City, Negros Occidental, Bacolod City

Region 7: Cebu Province, Bohol, Negros Oriental

Region 8: Tacloban City, Western Samar

Region 9: Zamboanga City, Zamboanga del Sur

Region 10: Bukidnon, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Cagayan de Oro

Region 11: Davao del Norte, Davao del Sur, Davao City, Davao de Oro

Region 12: Cotabato, South Cotabato

Region 13: Agusan del Norte, Butuan City  (Daris Jose)

Other News
  • Dahil sa init at pertussis, blended learning ibalik

    KASUNOD ng pagbabalik-eskwela matapos ang Mahal na Araw, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang mga punong-guro na magpatupad muna ng blended learning sa gitna ng pangamba ng mga magulang sa banta ng pertussis o whooping cough at mainit na panahon.     “Nais nating paalalahanan ang mga punong-guro na kung may banta sa kaligtasan ng […]

  • Jaja Santiago kailangan ng Pilipinas — PNVF

    Kailangan ng Pilipinas si Jaja Santiago.     Ito ang inihayag ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa usap-usapang inimbitahan si Santiago na maging local player sa Japan.     Mismong si Santiago ang nagsiwalat na interesado ang Japan dahil sa magandang inilalaro nito sa Japan V.League kasama ang Ageo Medics.     Subalit nilinaw […]

  • Department of Tourism, nakikitang papalo sa 2.4 million ang overseas visitors arrivals sa katapusan ng 2022

    NAKIKITANG papalo pa sa 2.4 million ang overseas visitors arrivals sa Pilipinas sa katapusan ng kasalukuyang taon ayon sa pagtaya ng Department of Tourism (DOT).     Kaugnay nito, sinabi din ni Tourism chief Christina Frasco na pinalakas pa ng DOT ang kanilang efforts para sa pag-promote ng Pilipinas sa ibat’ ibang mga bansa para […]