• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘NCR MAYORS, NAIS ANG ‘STABLE DECLINE’ SA COVID-19 CASES BAGO HUMIRIT NG MGCQ’

NAIS umano munang makita ng mga alkalde sa Metro Manila na tuloy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 bago irekomendang ibaba na ang rehiyon sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

 

Sa ngayon kasi ay pinalawig ng Inter-Agency Task Force ang General Community Quarantine (GCQ) status ng Kalakhang Maynila hanggang sa katapusan ng Oktubre.

 

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, habang nasa GCQ ay nakakita na raw ng pagbulusok ng mga bilang ng mga nagpopositibo sa virus ang Metro Manila kahit mas maraming mga negosyo na ang binuksan at maraming mga tao na rin ang pinayagang makalabas ng kani-kanilang mga bahay.

 

Sinabi pa ni Zamora, nag- iingat daw ang mga Metro Manila mayors na tumaas muli ang bilang ng mga active cases.

 

Inihalimbawa ng alkalde ang nangyari nang niluwagan ang quarantine status ng Metro Manila mula sa pinakamahigpit na enhanced community quarantine, patungong modified ECQ at sa kasalukuyang GCQ.

 

Una rito, sinabi ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na kuwalipikado na ang ilang mga siyudad sa NCR na ilagay sa MGCQ.

 

Pero ayon kay Roque, mahirap daw ito sapagkat ang rehiyon ay nasa iisang geographical unit lamang.

 

“Sa data po ng IATF, lumabas na may ilang mga siyudad sa Metro Manila na pupuwede na sanang mag-MGCQ,” wika ni Roque.

 

“Kaya lang napakahirap naman pong mag-MGCQ sa ilang siyudad lamang dahil alam naman po natin na ang Metro Manila ay iisang geographic unit. So kinakailangan, bumoto rin po ang mga mayor na kinakailangan isa lang ang clas- sification ng buong Metro Manila at hindi hiwa-hiwalay,” dagdag nito. (Ara Romero)

Other News
  • PBBM, nagpaabot ng pagbati sa Barangay, SK-elect officials; pinaalalahanan ang mga ito na maging “tapat at taus-pusong” magsilbi sa nasasakupan

    NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga bagong halal  at re-elected barangay and Sangguniang Kabataan (SK) officials sa katatapos lamang na halalan, araw ng Lunes.  Pinaalalahanan niya ang mga ito na maging tapat at taus-pusong magsilbi sa kanilang nasasakupan. Sa isang video message, umaga ng araw ng Martes, Oktubre 31, binigyang […]

  • Thankful sa naging suporta ng taga-Cabanatuan: BEAVER, pinakilig nang labis si MUTYA pati na rin si MAXINE

    SUPER successful ang ginanap na red carpet premiere ng ‘When Magic Hurts’ na pinagbibidahan nina Beaver Magtalas, Maxine Trinidad at Mutya Orquia sa NE Pacific Mall, Cabanatuan City.       Maaga pa lang ay dumagsa na ang mga tao para manood ng pelikula na may 3 pm screening sa three cinemas, bukod sa celebrity […]

  • ‘Pumili ba ang Letran sa kanyang kalaban’ sa Final Four ng NCAA? Sagot ni Bonnie Tan

    Sinadya bang matalo ang Letran sa final elimination game nito sa Jose Rizal University para makakuha ng mas paborableng draw sa NCAA Season 98 Final Four?   Tila ito sa marami dahil ang 87-71 pagkatalo ng Knights sa Heavy Bombers noong Miyerkules ay nag-relegate sa kanila sa No. 2 spot at isang sagupaan laban sa […]