• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR, nananatili sa ilalim ng GCQ- Roque

INIREKOMENDA at inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Community Quarantine Classifications para sa iba’t ibang lugar sa bansa para sa mga nananatiling mga araw ng buwan ng Hulyo.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ay ang National Capital Region, Baguio City at probinsya ng Apayao, City of Santiago, probinsya ng Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino, probinsya ng Bulacan, ang mga probinsya ng Cavite, Rizal, Quezon, at Batangas, ang Puerto Princesa, ang mga probinsya ng Guimaras at Negros Occidental, ang probinsya ng Zamboanga Sibugay, City of Zamboanga, Zamboanga del Norte, ang Davao Oriental, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, Cotabato, South Cotabato; sa CARAGA naman aniya ay ang Agusan del Norte, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Island, Surigao del Sur; at sa BARMM ang Cotabato City.

 

Sa ilalim naman aniya ng GCQ “with heightened restrictions” ay ang probinsya ng Cagayan, Laguna, at Lucena City, Naga City, ang Aklan, Bacolod City at Antique, kasama ang probinsiya ng Capiz hanggang Hulyo 22; Negros Oriental, Zamboanga del Sur at Davao City.

 

Para naman aniya sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ay ang mga probinsya sa Region 3 ng Bataan; sa Region 6 ay ang Iloilo City at ang Iloilo province pero ito aniya ay hanggang Hulyo 22 lamang.

 

“Kung hindi po mag-improve ang ating mga numero ay posible po na mabago muli ang classification ng Iloilo City at Iloilo; sa Region 10, Cagayan de Oro City; sa Region 11, Davao Occidental, Davao de Oro, Davao del Sur, Davao del Norte; at sa CARAGA ay ang Butuan City,” pahayag ni Sec. Roque.

 

Sinabi ni Sec. Roque na ang lahat ng mga probinsya na hindi niya binanggit ay nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ). (Daris Jose)

Other News
  • Bagong Partido ng Maynila inilunsad

    NAGSAMA-SAMA  ang iba’t ibang sektor  para sa pormal na pagtatatag at paglulunsad ng bagong partido sa Maynila.     Tinawag ang partido na United Manileños na layon ng isang pagbabago mula sa kasalukuyang nangyayari sa lungsod     Kabilang sa mga sektor na nakiisa sa panawagan ng pagbabago at pagtatag ng bagong partido ang hanay […]

  • Ads November 8, 2021

  • Petecio, Paalam babandera sa Team Philippines

    BABANDERAHIN nina Tok­yo Olympics silver me­da­lists Nesthy Petecio at Carlo Paalam bilang flag-bearers ang 16-member Philippine representation sa opening ceremony ng Paris Olympics bukas sa Seine River.       “We’ll be a proud and hopeful 16-strong Team Philippines in the opening ceremony,” ani Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino.     Makakasama nina […]