• February 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR nasa ‘moderate risk’ na – OCTA

NASA ‘moderate risk classification’ na muli ang National Capital Region (NCR) maging ang mga karatig-lalawigan na Rizal at Cavite  dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19, ayon sa OCTA Research Group.

 

 

Base sa COVID Act Now, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na nasa 23.01 kada 100,000 indibiduwal na lamang ang ‘average daily attack rate (ADAR) sa NCR habang nasa 20.30 ito sa Cavite at 15.09 sa Rizal.

 

 

Nananatili naman sa ‘high risk classification’ ang lalawigan ng Batangas, Quezon at Laguna.

 

 

Naitala ang ‘case growth rate’ ng NCR sa -68% habang nasa -65% ito sa Cavite at -66% sa Rizal.

 

 

Nitong nakaraang Sabado, nakapagtala rin ng ‘very low’ na COVID-19 reproduction rate na nasa 0.47 na lamang sa NCR, 0.69 sa Cavite at .54 sa Rizal.  Ang reproduction number ay nangangahulugan na bilang ng tao na maaaring mahawa ng isang taong may COVID-19. (Gene Adsuara)

Other News
  • PAGBABA NG KASO NG COVID WALA PANG SENYALES

    HINDI  pa nakikitaan ng pagbaba ng mga kaso  ng COVID-19 sa Pilipinas at ang mas mababang bilang ng impeksyon na naitala nitong Martes ay dahil sa mababang testing output, ayon sa Department of Health (DOH).     Paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque na galing ang output sa ginawang testing noong Linggo kung saan karaniwang […]

  • ANDREW, labis-labis ang pasasalamat sa Diyos dahil naging maganda ang 2021 at looking forward ngayong 2022

    AMINADO ang sikat na rapper-comedian na si Andrew E na naging maganda ang kanyang 2021 kahit na marami pa rin ang apektado ng pandemya na dulot ng COVID-19 na sa pagpasok ng bagong taon ay tumaas na naman dahil sa Omicron variant.     Natanong kasi si Andrew kung ano ang assessment niya sa kanyang […]

  • BF.7 dapat ikabahala – expert

    DAPAT umanong ikabahala ng mga health authorities sa bansa ang presensya ng Omicron subvariant na BF.7 dahil sa kakayahan nito na muling magpataas ng mga kaso tulad ng nangyayari sa China. “Well, that is a concern considering that we are not having accurate information coming from China and China has a past history of not […]