• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR Plus, posibleng bumaba sa GCQ with relaxed restrictions matapos ang Hunyo 15

MALAKI ang posibilidad na bumaba sa General Community Quarantine (GCQ) with relaxed restrictions ang NCR Plus matapos ang Hunyo 15.

 

Ang basehan ani Presidential Spokesperson Harry Roque ay ang bumubuting situwasyon ng COVID-19 sa lugar kabilang na ang “low” hospital care utilization rate.

 

“For Metro Manila, the numbers are looking good. The hospital care utilization remains very low, we’re at 53 percent in ICU beds which is isa sa mga importanteng factor for escalation,” ayon kay Sec. Roque.

 

“So I would say in fact that based on the figures, Metro Manila Plus might be looking at a deescalation. It might not be to MGCQ [modified GCQ] but it could be ordinary GCQ because ang GCQ natin ngayon ay meron pang mga restrictions,” dagdag na pahayag nito.

 

Ang NCR na kinabibilangan ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna ay nananatili sa ilalim ng  GCQ with restrictions hanggang June 15.

 

Bago pa ito, ang NCR Plus ay sumailalim sa GCQ “with heightened restrictions” mula May 15 hanggang May 31 kung saan ang galaw ay limitado sa essential travel habang ang indoor dining services ay bumaba sa 20 percent capacity.

 

Ang mga establisimyento na mayroong leisure-like venues para sa mga meetings ay nauna nang pinagbawalang magbukas.

Other News
  • Ads October 19, 2022

  • Travel advisory ng Canada sa PInas, hindi makaaapekto sa security landscape ng Pinas -Año

    HINDI makaaapekto sa tunay na security situation sa ground ng Pilipinas ang travel advisory ng Canada laban sa bansa.     Sa isang kalatas, sinabi ni National Security Adviser at National Security Council (NSC) chair Eduardo Año na ang pag-assess sa security landscape ay isang “ongoing process”, winika nito na patuloy ang ginagawang pagsisikap na […]

  • “MALIGNANT” EXPLORES HORROR ROOTS IN TWO NEW FEATURETTES

    WARNER Bros. Philippines has just released two featurettes of its new horror-thriller “Malignant” that highlight the film’s horror roots.       Check-out the videos below and watch “Malignant” only in Philippine cinemas starting November 24.     Horror Roots Featurette: https://youtu.be/QYvjzuXzez8     It’s All in Our Head Featurette: https://youtu.be/aCrTlOgWf28      About “Malignant”     “Malignant” is […]