NDRRMC, iniimbestigahan ang di umano’y hacking ng official Facebook page nito
- Published on October 13, 2022
- by @peoplesbalita
NAGSASAGAWA na ng masusing imbestigasyon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council kaugnay sa pinaghihinalaang security breach hinggil sa kanilang official Facebook page.
Sa isang kalatas, sinabi ng NDRMMC na ang kanilang Facebook page ay na-hacked ng alas-3 ng hapon, araw ng Martes.
Ayon pa sa NDRMMC, nasa proseso na ito nang pagbawi sa account at masusing imbestigasyon sa bagay na ito.
“We uphold data privacy and security, alongside the welfare of the members of the NDRRMC,” ayon sa ahensiya.
“We would like to apologize for any inconvenience or confusion this incident might bring to the public and stakeholders,” dagdag pa nito.
“As of 8 p.m., araw ng Lunes, Oktubre 10 makikita na ang huling post sa Facebook page ng NDRRMC ay noong Oktubre 4. (Daris Jose)
-
“Better response coordination” sa LGUs’, target ng NDRRMC
TARGET ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang “better disaster response coordination” sa local government units (LGus). Sinusuri nito ang sistema kasunod ng mataas na record ng casualties mula sa pananalasa ng tropical storm Paeng (international name: Nalgae). Sinabi ni NDRRMC assistant secretary Bernardo Alejandro IV na ang ahensiya […]
-
PBBM, ipinag-utos ang paglikha ng panel na tutugon sa deployment concerns ng mga Filipino seafarer
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglikha ng isang advisory board na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa government agencies, international shipowners, at stakeholders na tutugon sa deployment concerns ng mga Filipino seafarer. Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), nagbigay ng direktiba ang Pangulo sa isang meeting kasama ang international […]
-
Schedule ng PH rollout sa COVID-19 vaccine ng Sinovac
Nakalatag na ang pagsisimula ng COVID-19 vaccine rollout sa Pilipinas, kasunod ng naka-schedule na pagdating ngayong araw ng 600,000 doses ng CoronaVac vaccine ng Chinese company na Sinovac. Ayon sa Philippine Information Agency (PIA), magkakaroon ng “symbolic vaccination” bukas, March 1, sa ilang COVID-19 referral hospitals sa Metro Manila. Magiging simultaneous […]