• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NDRRMC, pinag-iingat ang mamamayan sa mapagsamantalang kumukuha ng donasyon sa mga biktima ng bagyo

Nanawagan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga nais na magbigay ng anumang donasyon sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses na ibigay ito sa mga mapagkakatiwalaang grupo.

 

Ayon sa NDRRMC, na hindi pa rin maiwasan na may mga ilang grupo ang sinasamantala ang pagkakataon.

 

Dapat aniya na tignan ng mga magbibigay ng donasyon ang organisasyon na mayroon ng magandang track record sa pamamahagi ng mga tulong sa mga biktima ng anumang kalamidad.

 

Dumating kasi sa kanilang kaalaman na mayroong mga nabiktima ng ilang grupo na nagpapanggap na kukuha ng mga tulong pinansiyal o mga pagkain.

Other News
  • Bagong toll rates sa Cavitex, ipapatupad na sa May 22

    MATAPOSĀ  ipagpaliban ng sampung araw, tuloy na sa Mayo 22, 2022 (Linggo), ang pagpapatupad ng bagong toll rates para sa CAVITEX R-1 segment.     Matatandaang inanunsyo ng Cavitex Infrastructure (CIC) at ng joint venture partner nito na Philippine Reclamation Authority (PRA), sa pakikipagtulungan ngĀ  Toll Regulatory Board (TRB), ang bagong toll rates para sa […]

  • 4 DRUG PERSONALITIES TIMBOG SA P.6-M SHABU

    KALABOSO ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Mark Anthony Ellaso, 35, Jose Taguiwalo, 48, Dennis Cruz, 49 […]

  • Red Cross tigil muna sa PhilHealth COVID-19 tests

    ITINIGIL ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagbibigay ng COVID-19 tests sa mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) makaraang mabigo ang ahensya na makapagbayad ng utang na aabot na sa higit na P1 bilyon.   Dahil dito, apektado ang pagbibigay ng RT-PCR tests sa mga overseas Filipino workers na dumarating mula sa mga […]