• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Net income ng GSIS, tumaas ng 70% o naging P113 billion noong 2023

INIULAT ng Government Service Insurance System (GSIS) na tumaas ng 70% ang net income nito para sa nakalipas na taon sa gitna ng makabuluhang paglago ng ‘equity holdings at fixed income portfolio” nito sa nasabing panahon.

 

 

Sinabi ng GSIS na ang net income nito ay tumaas ng P113.3 billion mula P66.4 billion noong 2022, habang ang kabuuang comprehensive income ay tumalon sa P143.4 billion mula sa P3.6 billion, tumaas din ang kinita ng 33% o P311.3 billion mula P234.9 billion.

 

 

Tinuran pa ng GSIS na ang equity holdings nito ay nakitaan ng P8.2-billion mark sa market growth noong 2023 kontra sa P37.4-million loss noong 2022, habang ang akumulasyon na 3.6 billion shares sa Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) ay nagresulta naman ng “one-time gain” na P13.6 billion.

 

 

Idinagdag pa nito na ang $300-million investment sa Global Infrastructure Partners Emerging Markets Fund sa nasabing panahon ay sumasalamin sa pagtutok sa oportunidad sa private equity market.

 

 

Pagdating sa loans o pautang, winika ng GSIS na ang multipurpose loan segment nito ay nakitaan ng paglago sa P209.6 billion mula sa P157.7 billion sa nakalipas na taon, inilunsad ng ahensiya ang MPL Flex retail loan, kasama ang muling pagbisita sa pagkakaloob ng corporate loans at project finance transactions.

 

 

Iniulat din ng GSIS ang record-high P9.8 billion sa gross premiums nakapaloob para sa non-life insurance business nito sa nakalipas na taon, nagmarka ng 44% pagtaas mula sa P6.8 billion noong 2022. Ang net worth nito ay nananatili sa P51.26 billion.

 

 

“Other comprehensive income, excluding the remeasurement on insurance and contract reserves, increased to P30 billion. This marks a P93-billion increase, which includes P57 billion from mark-to-market gains on the back of high-interest rate peso-denominated fixed income products,” ayon sa ulat.

 

 

“GSIS remains to be strong as we continue to search for yield to boost its generation of revenue. To this end we have increased focus on alternative investment including PE and real estate,” ayon kay President and General Manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso.

 

 

“We continue to push and do our best to boost long-term profitability of the GSIS and support the overall economy. We strive to establish a diversified portfolio by securing new investment opportunities,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa ilalim ng charter nito, ang GSIS ay may mandato na tiyakin na ang mga miyembro nito ay nakasisiguro laban sa paglitaw ng ilang kaganapan kapalit ng kanilang monthly premium contributions.

 

 

Entitled ang mga ito sa benepisyo gaya ng “life insurance, separation or retirement benefits, at disability benefits.”

 

 

Ito rin ang magsisilbing administrator ng General Insurance Fund, mangangasiwa sa insurance coverage hanggang government assets at properties na mayroong government-insurable interests. (Daris Jose)

Other News
  • Kingstown 2 at Queensville sa Brgy. 171 Caloocan, ila-lockdown

    Isasailalim ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa lockdown ang Kingstown 2 at Queensville sa Barangay 171 mula 12:01am ng Lunes, March 22 hanggang 11:59pm ng Linggo, March 28, 2021.     Ayon kay Mayor Oca Malapitan, ang ipatutupad na lockdown ng pamahalaang lungsod ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 cases […]

  • DANIEL, umamin na ‘di nila napigilan ni KATHRYN na ‘di magkita

    INAMIN ni Daniel Padilla sa virtual mediacon ng digital movie nilang The House Arrest of Us na sa panahon pala ng total lockdown noong Marso ay hindi nila napigilan ni Kathryn Bernardo na hindi magkita.   Talagang gumawa raw ng effort ang aktor para puntahan sa bahay niya ang katipan.   “Sa sobrang hirap pinuntahan […]

  • Pag-usbong ng mas maraming Kadiwa market, ‘di imposible – Department of Trade and Industry

    MALAKI umano ang tiyansa na lalago pa ang Kadiwa market sa bansa.     Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Dominic Tolentino, kasunod na rin ito ng personal na pagkakasaksi nito sa naturang programa.     Ginawa ang pahayag matapos ang matagumpay na inilunsad na Kadiwa ng Pasko kahapon sa iba’t […]