Netizens, kinilig sa virtual reunion ng ex-couple na sina Brad at Jennifer
- Published on September 24, 2020
- by @peoplesbalita
GOOD news para sa avid viewers ng GMA musical variety show na All-Out Sundays dahil ngayong Linggo (Setyembre 26) ay balik-studio na ang paboritong Sunday show.
Ito ang big announcement na ni-reveal ng ilang members ng cast kahapon na sina Paolo Contis, Ken Chan, Rita Daniela, at Glaiza de Castro.
Tiniyak naman nila na mahigpit nilang susundin ang safety protocols at guidelines sa kanilang pagbabalik-taping sa studio ng GMA.
Siguradong paghahandaan ng todo ng All-Out Sundays barkada ang magiging episode ngayong Linggo kaya naman abangan yan sa GMA!
*****
KINILIG ang netizens sa naging virtual reunion ng ex- Hollywood couple na sina Brad Pitt at Jennifer Aniston para sa charity table read ng “Fast Times at Ridgemont High”.
Jennifer played Phoebe Cates’ character Linda Barrett, habang si Brad naman ay ang character ni Judge Reinhold na si Brad Hamilton.
Si Morgan Freeman ang nag-narrate seduction scene nila Brad at Jennifer.
Game naman si Jen na basahin ng line sa kanyang ex-husband: “Hi, Brad. You know how cute I al- ways thought you were. I think you’re so sexy. Will you come to me?”
Biglang nag-blush daw si Brad at wala itong nasabi.
Tweet ng isang kinilig na fan: “The whole world watching Brad and Jennifer in this #FastTimesLive scene… Brilliant fundraising..”
Tweet pa ng isa: “ive lost the times that i’ve watched this clip. pls watch EVERY SINGLE ONE’s faces. i’m SCREAMING #FastTimesLive.”
Bukod kina Brad at Jen, kasama rin sa virtual table read ay sina Julia Roberts, Matthew McConaughey, Henry Golding, Jimmy Kimmel at Shia LaBeouf.
Nakapag-raise ng money ang naturang table read for REFORM Alliance and Sean Penn’s nonprofit CORE. (RUEL J. MENDOZA)
-
10 pasahero na COVID-19 positive tumakas sa India
HINAHANAP na ng mga otoridad sa India ang nasa 10 pasahero na tumakas mula sa paliparan ng Amritsar City. Ang nasabing mga pasahero aniya ay nagpositbo sa COVID-19 subalit sila ay tumakas. Sinabi ni senior district officer Ruhee Dugg na lulan ng international chartered flight ang mga pasahero mula Italy na […]
-
Ulo gugulong sa SRA sa pag-angkat ng asukal
INIIMBESTIGAHAN na ng Malacañang ang mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration matapos maglabas ng hindi awtorisadong resolusyon para mag-import ng 300,000 metriko tonelada ng asukal. Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nilagdaan ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian ang resolusyon na walang pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumatayo rin bilang kalihim […]
-
Sen. Go naghain ng panukalang batas sa pagpapaliban ng PhilHealth contribution hike
Inihain na ni Sen. Bong Go, chair ng Senate Committee on Health ang Senate Bill No. 2000 na naglalayong bigyang otoridad si Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang scheduled increase sa premium contribution rates ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Sinabi ni Sen. Go, kailangang mag-pokus muna kung paano matulungan ang mga kababayang […]