Netizens, nag-agree at papasa rin daw na magkapatid: KC, hiyang-hiya nang mapagkamalang boyfriend si GABBY
- Published on November 9, 2024
- by @peoplesbalita
ISANG compilation video ng bonding moments nila ang ibinahagi ni KC Concepcion sa kanyang Instagram, bilang pagbati sa kanyang daddy na si Gabby Concepcion, na nag-birthday noong November 5.
Caption niya, “It’s November, and that means celebrating the birth month of my sweet, kind, and guapo Papa love!” (smiling with sunglasses emoji)
“I thank God everyday for our effortless bond, and the chance He gave us to be closer than ever as father-daughter.
“Always grateful for the parents God chose for me. I love you [white heart emoji].”
Pahabol pang mensahe ni KC ang isang rebelasyon tungkol kay Gabby…
“People abroad sometimes think he’s my boyfriend when they catch us talking on video call, nakakahiya! Hahah.” @concepciongabby
Maraming netizens ang nag-agree na parang vampire si Gabby dahil hindi raw ito tumatanda. Kaya may ilang nagsabing para lang silang magkapatid.
“I thought napagkakamalan kayong siblings [grinning face with sweat emoji].”
“Just like twins [fire emoji] so good looking both of ya Kayce.”
“Pogi naman kasi ng tatay mo noh! [laughing, happy face with heart eyes, fire emojis]”
“Vampire kasi ang most handsome actor ng Philippine cinema! [red heart emojis]”
“May pinagmanahan ka sa pagka-vampire miss face.”
“Kasi naman….Gwapo talaga ni Mr. Concepcion!!! [laughing, happy face with heart eyes, fire emojis] Yes to Wellness [clapping hands, fire, red heart emojis].”
“Your dad is iconic. Handsome then and now.”
“KC still a very lucky girl. Grape na Rabat pa ang tatay.”
“Grabe naman kasi ‘di halata sa mukha age eh ‘di tumatanda. Happy birthday!”
Noong October 2023 huling nagkasama sina Sharon Cuneta, Gabby at KC dahil sa reunion concert na ‘Dear Heart’, na ngayon ay mag US-Canada tour na nag-start noong October 26.
Kaya wish ng isang netizen, “sana sumunod ka dito sa concert tour, chance to be with them alone.”
***
INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang listahan ng mga pelikulang nakatanggap ng angkop na klasipikasyon para sa linggong ito.
Rated G (General Patronage) ang “Swan Lake,” mula sa desisyon nina Board Members Angel Jamias, JoAnn Bañaga, at Jerry Talavera. Ibig sabihin, ito ay pwede sa lahat ng manonood.
PG (Patnubay at Gabay) naman ang ibinigay ng Board sa mga “Abner,” isang lokal na pelikula na pinagbibidahan nina Enzo Pineda, Rosanna Roces, at Mygz Molino, at ang “Red One,” na may pampaskong tema na kasama ang mga kilalang Hollywood actors na sina Dwayne Johnson at Chris Evans.
Sa PG, kailangang may kasamang magulang o guardian ang mga batang edad 12 at pababa sa sinehan.
Ang animated na pelikulang “My Hero Academia: You’re Next,” na hango sa isang sikat na anime series, at ang romantic-drama na “We Live in Time,” ay rated R-13, na tanging mga 13 gulang at pataas lang ang pwedeng manood.
R-16 o pwede lamang sa edad 16 at pataas ang mga pelikulang horror na “Pusaka: The Heirloom,” mula Indonesia at “Decade of the Dead.”
Payo ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa mga nakakatanda na patuloy na gabayan at ipaliwanag sa mga batang kasama ang pelikula na kanilang papanoorin.
“Iminumungkahi rin natin sa mga magulang at sa pamilyang Pilipino na maging responsableng manonood at gawing gabay ang mga angkop na klasipikasyon na ibinigay ng MTRCB sa mga pelikula,” sabi ni Sotto-Antonio.
(ROHN ROMULO)
-
Nasawi dahil sa bagyong Odette, umakyat na sa 208 – PNP
Umakyat na sa 208 ang mga napaulat na bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng typhoon Odette. Batay ito sa consolidated report ng Philippine National Police Operation Center (PNP-OC) na ibinahagi ni PNP Spokesperson Col. Roderick Alba. Pinakamaraming nasawi sa Central Visayas na may 129. Sinundan ng CARAGA […]
-
PEKENG DENTISTA TIMBOG SA ENTRAPMENT
ISANG umano’y pekeng dentista ang arestado habang nagsasagawa ng dental procedure sa isinagawang entrapment operation ng pulisya sa loob ng kanyang clinic sa Caloocan City, kahapon ng umaga. Kinilala ni District Special Operations Unit of Northern Police District (DSOU-NPD) head P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong suspek na si Marian Meneses, isang insurance […]
-
Sa raid sa Bulacan at Valenzuela P2.4 bilyong pekeng yosi, kagamitan nasamsam
UMISKOR ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Anti-Fraud and Commercial Crime Unit at Bureau of Internal Revenue at iba pang lokal na law enforcement units kasunod ng pagkakalansag sa large-scale illegal manufacturing na nagresulta sa pagkakasamsam ng P2.4 bilyong halaga ng pekeng sigarilyo at smuggling equipment sa serye ng operasyon sa Bulacan at Valenzuela […]