• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Netizens, naniniwalang deserving at may ‘good heart’ ang aktor: KYLIE, nag-post nang nakaka-touch na mensahe para sa ama na si ROBIN

NAG-POST nang nakaka-touch na mensahe si Kylie Padilla para sa kanyang ama na si Robin Padilla na nangunang Senador sa katatapos lang na halalaan noong Mayo 9.

Ayon sa bida ng Bolera na mapanonood na sa May 30 sa GMA Telebabad, “I approached this like you were not my dad. I did my homework. I did my research. I did not want to be biased. I watched all the interviews and inintindi ko lahat ng sinabi mo.

“And all i can say is I cannot wait for you to make your dreams a reality. I support you with all my heart. You have always been passionate about helping people and now you are in a position where you can make a bigger impact. I’m so happy and proud of you.”

Dagdag pagmamalaki pa ng aktres, “But If I was to speak as his daughter all I have to say is mahal na mahal ng tatay ko ang pilipinas, mahal nya ang mga tao. Parte ng pagkatao nyang tumulong. He has always been selfless pag dating sa mga taong nangangailangan. If there is one thing I can attest to, my father did not need to become senator to help make change happen.

“He was already doing that before all of this. Kaya whatever happens after today, however busy you become please know that I love you and support you. Congratulations @robinhoodpadilla.”
 
Say naman ng netizens na um-agree sa pinost ni Kylie pero may iba na hindi pa rin matanggap na binotong Senador ng mga Pinoy si Binoe:
“Hindi ko na tinapos basahin yung first paragraph. Charotera masyado.”
“Nabasa ko na ang mga ganyang script dati iba lang ang mga tauhan ngayon.”
“Hay buhay. mga kapwa ko pinoy. bakit di man lang kayo nag-iisip. so sad.
“Nakidagdag pa sa problema ng PH tong robin na to.”
“Ikaw ang problema. Di ka masaya sa pagkapanalo ng iba. Bitter much!? Talangka!”
“Congrats Senator Robin Padilla..! Mabuhay ka!!”
“Na touch naman Ako sa message ni Kylie. Congrats Robin.”
“If he wanted to really help, he should’ve used his voice to raise up somebody more qualified. Gone are the days when the senate was full of the best and the brightest. Bar and board topnotchers, professionals and teachers. Actual statesmen. Not the circus that it is now.”
“Sa mga basher diyan wala kayong magagawa. Tatay niya yan eh, alangan naman awayin nya.”
“D nyo nmn sinabi na action star pala gusto ng pilipinas.sana pinatakbo ntin mga dating action star ahahaha.”
“It seems like Kylie is the daughter of Liezl whose the closest to her Dad Robin? She got her Muay Thai skills to her Dad. Congrats Sen. Robin. Continue to do good things to others.”
“Matanong ko lang po,bakit hindi nya deserve manalo?”
“Congrats, Robin! you deserve this. Mag-research muna yung iba diyan bago magtanong why. Mahilig din naman kayo maniwala sa Google trends.”
“Kylie is well raised by her parents. Good job Robin!!!”
“Robin has a good heart especially to the poor. He is a good provider to all of his children.”
 
 
(ROHN ROMULO)
Other News
  • New ‘Luca’ Featurette, Clip and Character Posters Tease A Pixar Aquatic Adventure

    THE heartwarming film Luca will stream on Disney+ this month and we got a new featurette about the world of Portorosso, Italy!     They also reveals new character posters as well as a new clip showing the fear this small town has about sea creatures. A movie that is sure to make us all want to […]

  • Wish ni Duterte sa kanyang 77th b-day: ‘To have a clean, fair, honest election’

    MAY KINALAMAN  sa darating na May 9, 2022 elections ang wish ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang 77th birthday bukas, March 28.     Ito ay ang hangarin na magkaroon ng malinis at patas na halalan sa Mayo ayon sa Malacanang.     Dagdag ni acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, magiging simple at tahimik na […]

  • Hero’s welcome para kay Diaz

    Maituturing si national weightlifter Hidilyn Diaz na isang buhay na bayani matapos ibigay sa Pilipinas ang kauna-unahang Olympic gold medal sa kanyang tagumpay sa women’s 55-kilogram division ng Tokyo Games.     Dahil sa kanyang kabayanihan ay ibibigay ng Philippine Sports Commission (PSC) sa 30-anyos na si Diaz ang Gold Medal of Valor sa nakatakda […]