Never naisip na mag-join ng beauty pageant: RHIAN, walang poise, composure at emotional control
- Published on May 17, 2023
- by @peoplesbalita
UMALIS ang soon-to-be parents na sina Kris (Bernal) at Perry Choi for South Korea for their ‘babymoon’ bago nila officially i-welcome ang kanilang baby girl. IG caption ni Kris: “Babymoon. A last hurrah before baby comes. See you in a bit, Korea!”
Excited si Kris dahil May 17 ang birthday niya at doon niya i-celebrate, nauna siya nag-celebrate ng first Mother’s Day.
Nauna ngang nag-gender reveal sina Kris at Perry, at after niya isilang ang kanilang baby girl, saka nila ia-announced ang name nito.
***
KASAMA ni Miss Universe Philippines Michelle Marquez Dee sa coronation night ang mga brothers niyang sina Mazen at Adam na parehong na-diagnose ng autism.
Tungkol sa autism ang advocacy ni Michelle.
Sa isang video, ipinakilala ni Michelle ang mga kapatid: “These are my brothers, individuals on the spectrum. This is Adam, my younger brother, and this is Mazen, my older brother as well. So, all of us grew up here.
“When you have brothers in the spectrum, they also need a lot of excercise, kaya lagi akong tumatakbo dito. Dito sila nag-e-exercise just to wind down and relax.”
(Ang lugar na binanggit ni Michelle ay sa Salcedo Park in Makati)
“This is why I advocate for autism awareness. because my brothers needed it and every one on the spectrum needs it too.”
***
FULL support at naiyak si Kapuso actress Rhian Ramos sa kanyang housemate na si Michelle Dee, our new Miss Universe Philippines 2023, matapos i-announce ang panalo ng kaibigan.
Marami tuloy ang nagtatanong kay Rhian, bakit hindi siya sumasali sa mga beauty pageants, gayung pasado naman ang kanyang beauty?
Kasama nga ni Rhian na nanood ang mga friends din nila ni Michelle na si Kapuso actress Max Collins at Janina Manipol.
Sinagot ni Rhian ang tanong kung bakit ayaw niya mag-join ng beauty pageant: “If you ever wonder why never dumaan sa isip ko ang sumali sa kahit anong pageant, dahil wala akong poise, composure or emotional control. Pang-drama lang talaga ako.”
Sa ngayon ay busy sa taping ng new teleserye niyang “Stage Wife” si Rhian.
(NORA V. CALDERON)
-
Mukhang nalalapit na ang engagement proposal: ARJO, looking forward na i-celebrate ang mga susunod pang birthday ni MAINE
MULING ipinakita at ipinagmalaki ni Arjo Atayde ang pagmamahal sa kanyang girlfriend na si Maine Mendoza na nag-celebrate ng 27th birthday last Thursday, March 3. Sa IG post ng award-winning actor ng kanilang photo ng Phenomenal Star, nilagyan niya ito ng sweet caption: “Mahal na mahal kita… looking forward to celebrating all your birthdays with you! Happy Happy Birthday, Baba.” […]
-
PAGHALIK SA ALTAR AT KRUS, HINDI INIREREKOMENDA
HINDI inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang paghalik sa altar at krus sa gitna ng COVID-19 pandemic ngayong panahon ng Holy Week. . Ang Holy Week ay mula April 10, Linggo hanggang April 16, Sabado. Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa media forum na ang nasabing virus ay […]
-
PDu30, natupad ang pangako na dadalhin ang kapayapaan sa Mindanao
SA PAGTATAPOS ng kanyang termino sa nalalabing tatlong buwan, naniniwala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagawa at nagampanan niya ang kanyang pangako na dalhin ang kapayapaan sa Mindanao. Sa isang panayam sa Pangulo ni Pastor Apollo Quiboloy na inere, araw ng Sabado ng SMNI, binigyan ng kredito ng Pangulo ang mga lider […]