• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Never naisip na papasukin ang pulitika: WALLY, mas enjoy talaga na magpatawa kesa kumanta

MATAGUMPAY ang concert tour nina Wally Bayola at Jose Manalo sa Canada na kung saan tatlong shows ang ginawa nila para sa mga Pilipinong naka-base sa Vancouver, Calgary at Saskatoon.

 

 

Mainit nga ang pagtanggap sa kanila ng mga Pinoy roon na nasabik sa Filipino performers matapos mahinto ang mga events dahil sa pandemya ng COVID-19.

 

 

Pero ngayong maluwag na ang mga health protocols ay labis ang pasasalamat nina Wally at Jose na mabigyan ng pagkakataon na magpasaya ng mga Pinoy abroad.

 

 

Kapag nagpe-perform siya para sa mga kababayan natin na nasa ibang bansa, ano ang nararamdaman ni Wally?

 

 

Lahad ni Wally, “Alam mo para rin kaming nasa ano e, nasa mga barangay!”

 

 

Sikat na segment nina Wally at Jose ang Sugod Bahay sa ‘Eat Bulaga!’ kung saan dumadayo sila sa iba’t-ibang barangay dito sa Pilipinas.

 

 

“Pareho lang din naman yun. Masa, tapos, iisa lang naman yung ano e, parang iisa lang naman yung sinasabi nila, ‘Nakikita lang namin kayo sa TV pero ngayon andito na kayo, nakarating kayo,’ na ganyan-ganyan.

 

 

“Alam mo grabeng hospitality at talagang ano, yung eagerness nila na makita kami, makita ka na nagpe-perform. It’s a big opportunity na, para sa kanila.

 

 

“At yung wala, ikukuwento mo lang naman kung ano’ng mga ipe-prepare namin, wala naman kaming pine-prepare, ang kinukuwento lang namin yung experience lang namin na up-to-date na sa Pilipinas na nangyayari na ganun.

 

 

“Na hindi naman kasi minsan lahat nasa social media,” at tumawa si Wally, “ayun, iyon lang ang pine-prepare namin.”

 

 

Pahabol pa ni Wally, “Kasi sabik nga sila, e.

 

 

“Tsaka isipin mo, kung tayo nga lang seven days lang tapos siyempre kahit wala ka namang nami-miss pero yung worry mo kasi meron kang mga naiwan dun sa Pilipinas or property or whatever, lalo na mga kamag-anak or kung may pamilya ka may anak ka, andun yung mahal mo sa buhay, alam mo yung ganun?

 

 

“Seven days, ano ka na, bagabag, how much more yung nandito ng matagal na taun-taon ang ginugugol nila dito sa ibang bansa?

 

 

“Kaya yung one hour, one and a half or two hours na kasiyahan na nabibigay namin is really something na sa kanila.”

 

 

Produced ito ng Fireball Productions–Canada nina Loren Ropan at Rhodora Soriano, tatlong venues ang inikot nina Wally at Jose sa para sa kanilang The Jose and Wally Show Canada Tour 2024. Ang una ay sa South Hall Banquet Place, Vancouver noong March 27, 2024 na sinundan sa Rajveer Banquet Hall sa Calgary noong March 30 at ang pinakahuli ay sa TCU Place sa Saskatoon noong March 31.

 

 

Nakasama nina Jose at Wally sa kanilang concert tour ang bandang Pedro & The Hallowblocks na binubuo nina Pedro Busita, Jr., Jessie Leandro Pacatang, Ericson de Villa with the special participation of Paul Traqueña na drummer mula mismo sa Calgary.

 

 

Tinanong namin si Wally, saan siya mas enjoy, magpatawa o kumanta?

 

 

“Magpatawa. Yung kanta kasi is, yung music is, hindi naman kami singer actually, ” say niya.

 

 

On the contrary, marami ang nagugulat kapag naririnig na silang kumanta, na maganda pala ang singing voice nila ni Jose.

 

 

“Nagugulat din kami na, ‘Ay, hindi pala nila alam,” at tumawa si Wally, “na nagsi-singer-singer-an kami. Anyway iyon yun, parang nakakadagdag kasi something na favorite mo na ihahain sa iyo, ‘Ay, wow!’

 

 

“Na at the moment mga ganun, lalo na si Jose napakagaling mag-mix-mix ng mga songs.”

 

 

Nakakatulong rin naman kasi na parehong talento sa komedya at pagkanta ang baon ng isang performer.

 

 

“Ibig sabihin kakaway ka lang at magpapriktyur, hindi naman puwede yun,” at muling tumawa si Wally.

 

 

“Sabi nga ni Jose yung mga dati na mga comedian o, naalala ko yung Mitch Valdez napakahusay nun! Kanta tapos chika. “Nanette Inventor kanta tapos chika.

 

 

“Nakaka-miss yung ganun.”

 

 

Pumasok ba sa isip ni Wally na pasukin ang pulitika balang -araw?

 

 

“Hindi,” tugon ni Wally. ”Kasi pag hindi ko naman talaga… lalo na pag hindi ko linya, hindi.”

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Most wanted na rapist, nakorner sa Valenzuela

    HIMAS-REHAS ang binata na inakusahan ng panggagahasa sa isang menor-de-edad matapos masukol ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang naarestong akusado na si alyas “Bryan”, 24 ng Brgy. Parada ng lungsod.     Sa ulat ni Col. Destura […]

  • RFID sa NLEX mataas na ang detection capability

    Pinaganda at mas mataas na ang detection capability ng RFID na ginagamit sa North Luzon Expressway (NLEX), ang unit ng Metro Pacific Tollways Corp., upang mabigyan ang mga motorista ng magandang customer experience sa mga toll gates.       “We have finished installing RFID early detection features in 188 toll lanes, completing the current […]

  • Gobyerno, masusing pinag-aaralan ang ekstensyon ng CARS PROGRAM

    MASUSING pinag-aaralan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  ang panukalang palawigin o i-extend  ang Comprehensive Automotive Resurgence Strategy (CARS) program.   Sa pakikipagpulong ng Pangulo sa mga opisyal ng  Mitsubishi Motors Corporation sa Tokyo,   sinabi ng Chief Executive na habang isinasagawa ang pag-aaral, ang pamahalaan ay “very much of the mind that we […]