‘Never wish ill on others’, dahil mabilis ang karma: JESSY, nag-react sa pagkakasama ng photo ni LUIS sa mga ‘crying grooms’
- Published on June 6, 2022
- by @peoplesbalita
NAG-REACT si Jessy Mendiola-Manzano sa pagkakasama ng asawa niyang si Luis Manzano sa isang FB post na kung saan ang ‘crying grooms’ daw ay kalimitan ay nagpi-fail ang marriage at napupunta sa hiwalayan.
Sa bandang huli ng post, “Oh yung nasa last na photo putulin na ang sumpa o uunahan ka ni senyorita Jessy Mendiola char!”
Kaya ‘di napigilang mag-comment ni Jessy sa post, “Never wish ill on others. (red heart emoji) masyado nang madaming negativity sa mundo. (smiling face emoji)
Babala pa ni Jessy, “wag pagtawanan ang heartbreak ng ibang tao, mabilis ang karma.”
Kasama nga ang photos nina Aljur Abrenica, Tom Rodriguez, Jon Gutierrez at Jason Hernandez.
Comment naman ng mga ‘marites’:
“Be careful Jessy.”
“You be careful. Like what she said karma happens to people with ill will.”
“I used to dislike Jessy Mendiola and I don’t think I will ever be a fan. pero may point naman siya. hindi naman ata maganda na idamay pa sila sa mga ganyang kalokohan since so far mukhang maayos naman sila. pati si Vilma ang bait sa kanya.”
“i dont like her but she has a point. it’s not right to make jokes at the expense of someone’s marriage. buhay nya yan karapatan nyang mag react.”
“Sobrang KJ! Buti nalang may sense of humor asawa niya.”
“She isn’t KJ. It’s appropriate for her to say that. Masyado na ginawang pyesta ang heartbreak ng ibang tao na pati yung nanahimik dinadamay. God can see your thoughts.”
“‘Di naman kasi katatawanan na iwish na magcheat sayo asawa mo. Bad joke yun.”
“Ang cringe naman kasi ng umaatungal sa kasal na LALAKE. Sa true lang.”
“Ang OA atungal talaga d ba pwedeng tears of Joy lang…”
“Emosyon kasi nila yun sa mahalagang pangyayari sa buhay nila. Kailangan bang pigilan at i-kontrol para di ka mag-cringe, sa true lang?”
“Ang sexist mo naman. Pag ba lalaki di na pwedeng maging emotional?”
“Eh kung gusto niyo ng mga lalakeng umaatungal eh di kayo na lang. Wag niyo lahatin. May mga tao naman talaga na naaalibadbaran sa mga lalakeng mas maatungal kaysa sa mga babae. Tapos ending ano? Cheater? Yuck. MAHINANG NILALANG. sa kasal pa lang nakita na.”
“You can wish pero who knows what tomorrow brings? just Pray and let God be the center of your marriage and work on it, it is a work in progress kasi as you grow old and older nagiiba ang ugali ng bawat isa. so, for now Jessy be happy nasa honeymoon stage pa kayo. just dont say anything that you will regret later or years from now.”
“Never wish ill on others pero sa dulo “mabilis ang karma”.”
“Pero naintindihan ko naman why she reacted hindi naman tama na idamay sila. Contradicting lang yun sinabi niya.”
“Karma is both ways naman e. You do good, karma will do you good, pag bad eh di bad. Golden rule naman yan!’
“Mas ok nga noh, na sana hindi nya include ang “mabilis ang karma” hindi kasi na proof read ni Luis lol.”
“Stating mabilis ang karma is not an ill-wish. She’s just saying that it has consequence.’
“She has a point. Parang winiwish na rin ng iba na mangyari rin sa kanya when they included him. Di maganda mag wish ng masama para sa iba bumabalik talaga sayo yun.’
“Mukhang matino naman si Luis at mahal na mahal nya si Jessy.’
“Mukhang mabait din naman si Jessy.”
“Mukhang maalaga sila sa isat isa. Give and take sila sa relationship nila. Hndi yung klase ng girl na gusto sya lang lagi nasusunod at inaalaganan.’
“Pwede naman i-ignore na lang ang pag-include kay Luis.”
“Bakit ba kasi wini-wish nyo pa na maghiwalay sila Jessy at Luis? Nakakaumay na. Yung idol nyo masaya naman din dun sa pinakasalan nya. Lahat naka-move on na.”
“Agree with jessy on this one. Pwede maging marites na hindi hateful at malicious. Nakikichismis lang tayo. Huwag magimbento ng kwento at huwag magwish ng masama sa iba. Be respectful.”
“Luis is just playful but in reality he is very much responsible & matino kind of guy.”
“Actually very interesting nga na pag umiyak ba ang groom – was it really because of happiness or maybe too overwhelmed by other emotions – like doubts, guilt, stress etc? hmmmm.”
(ROHN ROMULO)
-
‘Sakaling dumami ang COVID cases sa NBA bubble, season ititigil uli’ – Silver
Hindi naitago ni NBA Commissioner Adam Silver ang kanyang pangamba sa posibleng pagkalat ng coronavirus sa loob mismo ng Disney World campus sa Orlando na maaaring mauwi sa tuluyang kanselasyon ng 2019-20 season. Pahayag ito ni Silver ilang linggo bago ang inaabangang pabubukas ng NBA season kung saan ilang mga players at staff na […]
-
Magkakapatid, pinagtulungan ang isang lalaki, patay
PATAY ang isang 25-anyos na lalaki nang pagtulungan ng magkakapatid matapos napikon na pinaparatangan na nagkakanlong ng tao sa kanilang bahay sa Tondo, Manila Lunes ng hapon. Isinugod pa sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktima na si Raymond Castillo y Galang, may live-in parner ng Bldg 26, Temporary Housing, Aroma Compound, Brgy 105, Tondo, […]
-
Ads January 11, 2023