New gag show na idi-direk nina ERIC at EPY, tribute kay Comedy King DOLPHY
- Published on January 13, 2022
- by @peoplesbalita
“PANDEMIC Superstars” ang tawag ni Direk Roman Perez, Jr. kina AJ Raval at Sean De Guzman, ang bida sa bagong obra niya titled Hugas na ipalalabas via streaming sa Vivamax simula January 14.
Kapwa sinabi nina AJ at Sean na ibinigay nila ang lahat nang kanilang makakaya para mapaganda ang Hugas kumpara sa una nilang movies na Taya at Nerisa.
“Marami kaming natutuhan from our past movies together at ginamit namin ito dito sa movie. Itinodo na namin lahat,” lahad ni AJ.
“Pinagbutihan namin ang bawat eksena na ginagawa namin. We want to show our passion in our acting. We want to give our best because we also dream to be recognized for our acting ability.”
Dahil nakadalawang pelikula na sila ni AJ, inamin ni Sean na mas komportable na sila sa mga sexy scenes. Hindi na sila naiilang sa isa’t-isa.
“Kailangan pati maipakita namin ‘a ‘yung roles na ginagampanan namin ay in love talaga sa isa’t-isa,” wika pa ni Sean.
Bukod sa pagsabak sa sexy scenes sa Hugas, excited din si AJ sa mga action scenes na kanyang ginawa sa pelikula.
“Gusto ko kasi gumawa ng action movies. I want to follow the footsteps of my dad,” wika ng anak ni Jeric Raval.
Kasama rin sa cast ng Hugas sina Cara Gonzales, Stephanie Raz, Deberly Bancore, Jay Manalo, Bob Jbeili, at Joko Diaz.
***
SINA Eric Quizon at Epy Quizon ang mga director ng bagong gag show na Quizon CT (Comedy Theater) na nag-premiere sa NET 25 last Sunday, January 9.
Sa ginanap na zoom presscon, sinabi ni Eric na maganda ang opportunity ang ibinigay sa kanila ng NET 25 mag-pitch ng concept at ang gag show ang napili ng network.
Pero nag-pitch din sila for a sitcom. Umaasa si Eric na if ever maging maganda ang feedback sa gag show ay mabigyan din sila ng chance na ituloy ang sitcom.
Si Eric ang nag-encourage kay Epy na maging co-director ng show. Kasama rin Quizon CT sina Vandolph at ang asawa niyang si Jenny. Tampok din dito sina Martin Escudero, Bearwin Meily, Gene Padilla, Garry Lim, Tanya, Charuth at Billie Hakenson.
“This is our tribute to our dad’s clean, fun and wholesome family humor. Pampa-good vibes,” sabi ni Eric.
“We learned a lot from our dad’s humor and we’d like to continue his legacy. We want to contribute something visual. If you notice, ‘yung iba comedy ni Daddy is visual and it’s funny. We might incorporate something like we will recreate an old gag of Daddy so we can show it to the millennials.”
“I am privileged to do this show with my brothers. With the way things are right now during the pandemic, I believe we need the kind of humor of Dolphy,” pahayag naman ni Vandolph.
(RICKY CALDERON)
-
PDu30, magpapaturok ng Covid-19 vaccine pero hindi isasapubliko-Sec. Roque
TINIYAK ng Malakanyang na magpapaturok ng COVID-19 vaccine si Pangulong Rodrigo Roa Duterte subalit hindi ito ipakikita sa publiko. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang desisyon na ito ng Pangulo ay matapos na ihayag nito sa publiko na ang mga frontliners at vulnerable sectors ang makakakuha ng unang bakuna habang siya ay magpapahuli […]
-
PDu30, siniguro na matutupad ang itinatakda ng batas hinggil sa pormal na pagpapalit ng bagong liderato ng bansa sa June 30
SINIGURO ni Pangulong Rodrigo Duterte na pormal na makakaupo ang idedeklarang susunod na Pangulo ng Republika sa Hunyo a- trenta. Sinabi ng Punong Ehekutibo, isang Constitutional requirement na dapat nang makapanumpa ang mananalo sa isinagawang Presidential election ngayong taon. Paniniguro nito, kanyang isasalin ang liderato ng bansa sa sinumang kanyang magiging […]
-
REGINE, nakikiusap na wag ikalat ang nag-leak na materials ng ‘Freedom’ concert
NAKIKIUSAP si Regine Velasquez-Alcasid na wag ikalat ang nag-leak na materials para sa kanyang first digital concert na Freedom sa magaganap sa Valentine’s day. Tweet ni Regine last January 22, “Hi guys pakiusap lang may nag leak na materials from the concert please pa delete naman. “Please wag nyo na I repost.” […]