• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

New look sa bagong chapter ng buhay: KATHRYN, nag-iba ng kulay ng buhok na pinusuan ng mga netizen

MAY mga babae na nagpapalit ng hairstyle kapag nakipag-break sa kanilang boyfriend. New look para sa bagong chapter ng buhay nila.

 

 

 

Sa latest Instagram post ni Kathryn Bernardo, nag-iba ito ng kulay ng kanyang buhok na pinusuan ng maraming netizen.

 

 

 

Kulay orange ang buhok ngayon ni Kathryn at mas nagpatingkad pa nito ang kanyang personalidad.

 

 

 

Caption pa niya: “I hope Santa still recognizes me with orange hair 🍊”

 

 

 

Bukod sa new hair color, sinimplehan din ni Kathryn ang kanyang make-up at simpleng white top lang ang suot niya.

 

 

 

As of this writing, umabot na sa 2.6 million likes ang post na ito ni Kathryn.

 

 

 

***

 

 

 

KINUWENTO ng Sparkada na si Kim Perez na ilang beses siyang sumubok na mag-audition para maging artista.

 

 

 

Sa pang-apat na audition niya sa GMA kung di pa raw siya pumasa, titigilan na niya ang pangarap na naging aktor.

 

 

 

“Dumating kasi talaga sa point na ayoko na, magku-quit na ako. Ilang beses na akong nag-audition sa GMA, three times.

 

 

 

“So itong pang-apat, ikinagulat ko na bigla akong nakuha at under pa kay Mr. M (Johnny Manahan). Na-reject na kasi ako noon si Mr. M, sa ABS-CBN ng dalawang beses naman,” pagbalik tanaw ni Kim.

 

 

 

Napapanood sa primetime teleserye na ‘Black Rider’ si Kim. Unang siyang lumabas sa ‘Hearts On Ice’. Dream niyang partner ay si Kate Valdez na nakasama niya noon sa isang TV commercial.

 

 

 

***

 

 

 

ANG bongga ng taong 2023 para kay Taylor Swift dahil nakabilang siya sa Top 5 Most Powerful Woman ng Forbes at kinabog niya sa ranking sina Beyonce at Rihanna.

 

 

 

Kasama ni Taylor sa top five ay sina European Commission President Ursula von der Leyen (#1), European Central Bank President Christine Lagarde (#2), United States Vice President Kamala Harris (#3) and Italian prime minister Giorgia Meloni (#5).

 

 

 

Ang 12-time Grammy winner ay billionaire status na dahil sa kanyang $1.1 billion with $500 million from royalties and touring, $500 million from her music catalog and $125 million in real estate.

 

 

 

Si Taylor din ang cover ng PEOPLE’s 2023 Most Intriguing People of the Year issue.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • 1.1 milyong passport slots hanggang Disyembre, binuksan

    NAGBUKAS  ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng mas maraming passport appointment slots simula ngayong linggo hanggang Disyembre 2022.     Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hindi bababa sa 800,000 slots ang ginawang available bilang bahagi ng pagsisikap ng DFA na pahusayin ang kasalukuyang serbisyo ng consular.     Plano rin ng […]

  • Ads May 17, 2022

  • SSS at Pag-IBIG members pwedeng mag-calamity loan

    KAPWA nag-alok ng calamity loan ang Social Security System (SSS) at Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG sa mga miyembro  na nasalanta ng bagyong Paeng.     Ayon sa SSS, ang Cala­mity Assistance Package ay para sa mga miyembro at pensioners na nasalanta ng bagyo sa mga lugar na isinailalim sa state of cala­mity.  Kabilang […]