• January 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Newsome, Amer bombilya ng Meralco sa 45th PBA

MAY ilang taon na ring nangangamote ang Meralco sa Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup, kagaya sa nakalipas na taon, sumablay playoffs.

 

Pagsapit ng Commissioner’s Cup, sumalto sa quarterfinals, saka nakabawi sa Governors Cup, sinementuhan ang pagiging contender nang makarating sa finals.

 

No. 2 sila sa eliminations, hindi inaksaya ang twice-to-beat sa quarters nang sipain agad ang Alaska. Itinaob din ng Bolts ang Talk ‘N Text sa semifinals 3-2 saka hinarap ang Barangay Ginebra San Miguel sa championship round at tumkilop sa limang laro, ang pangatlo sa nakalipas na apat na taon.

 

“We always had trouble in the all-Filipino,” pagtanggap ni Norman Black. Walang lehitimong big man noong mga nagdaang taon, nagkatsansa nang makuha si Raymond Almazan mula Rain or Shine.

 

Pero sa championship round ng Govs Cup, nagka-knee injury ang 6-foot-8 center. Back-to-zero na naman ang Bolts sa all-Pinoy dahil nawala ang slotman.

 

“Our biggest concern is the absence of Raymond Almazan,” hirit ng Bolts coach.

 

Aligaga sa unang buwan ng season-opening tournament. “He could’ve given us the first opportunity to have a big man to really match up with the other big men.”

 

Nasa timetable na apat na linggo pang mawawala si Almazan gayung sumiklab na ang 45th PBA PH Cup nitong Linggo, Marso 8.

 

Makakaliskisan ang taga-kuryente laban sa Magnolia Hotshots sa Marso 15 sa Araneta Coliseum sa Quezon City
“He will be out in our first six games,” dugtong ni Black.

 

Bumabalik na ang matingkad laro ni Almazan sa GC, pero nagka-injury lang ulit sa tuhod sa finals. May average siya sa 17 laro na 11.2 points, 9.8 rebounds at 1.1 blocks.

 

Si Chris Newsome ang pinakamaangas ang laro sa Bolts sa 2019 PC sa likod ng 13.6 points, 6.5 rebounds, 4.2 assists at 1.1 steals bawat salang sa 11 laro.

 

“No major changes,” sambit naman ni Meralco governor Alfredo Panlilio. “All-Filipino had always been our weakest conference. We just hope our guys hang on, stay in the middle until we put the team together then push for the playoffs.”

 

Si Newsome muli ang sasandalan ni Black ng koponan, katuwang si Baser Amer at ang nagdagdag bago natapos ang 44th season na si gunner kay Allein Maliksi. Habang hindio pa magalingsi Almazan, magtutulungan sa frontcourt ang mga datihan na sina Reynel Hugnatan, Cliff Hodge, Bryan Faundo, at ang kasabay ni Maliksi mula Blackwater na si Raymar Jose.

 

Run-and-gun pa rin ang Bolts kina Amer, Newsome, Trevis Jackson, Nico Salva, Bong Quinto at John Nard Pinto.

Other News
  • YASSI, umaming first time maka-experience kaya nagulat sa ‘butt exposure’ ni JC, makadurog-puso ang pagganap nila sa ‘More Than Blue’

    AMINADO si Yassi Pressman na nagulat siya sa butt exposure ng leading man niya na si JC Santos sa More Than Blue na paparating na sa Vivamax ngayong November 19, 2021.     Kuwento ni Yassi sa digital mediacon first time daw niyang maka-experience ng ganun sa co-actor kaya, “it’s quite shocking but JC was […]

  • Ads January 9, 2020

  • P1.9-M halaga ng smuggled na sibuyas nakumpiska ng PNP at Bureau of Customs sa Tondo, Manila

    LIBO-LIBONG sako ng smuggled yellow onions o sibuyas na nagkakahalaga ng P1.9 million ang nakumpiska ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Bureau of Customs (BOC) sa ikinasang operasyon sa Tondo, Manila.     Kasama rin sa naturang operasyon ang mga tauhan ng Department of Agriculture, Bureau of Plant Industry at […]