• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NFA chief, 138 pa sinuspinde sa bagsak presyong bigas

PINATAWAN ng Office of the Ombudsman ng anim na buwang preventive suspension ang nasa 139 opisyal ng National Food Administration dahil sa bentahan ng rice buffer stocks.

 

 

Kasama sa mga suspendido sina NFA Administrator Roderico Bioco, Asst. Admin John Robert Hermano at iba pang regional manage­rs at warehouse supervisors.

 

 

Dahil dito sinabi ni Agriculture Secretary Francscio Tiu Laurel na pansamantala niyang pangangasiwaan ang NFA at tatayong officer in charge sa ahensya habang umiiral ang suspension order at gumugulong ang imbestigasyon kung saan kasama sa target na silipin ang mga transaksyon mula noong 2019.

 

 

Nabatid na nag-ugat sa imbestigasyon sa umano’y pagbebenta ng NFA ng libu-libong tonelada ng bigas na buffer stock sa ilang traders sa paluging presyo.

 

 

Hindi naman kasama sa suspension order ang accuser na si Assistant Administrator for Marketing Operations Lemuel Pagayunan.

 

 

Giit din ng kalihim, hindi niya palalampasin ang anumang uri ng korap­syon sa ahensya. Layon nilang maisiwalat ang katotohanan at mapanagot ang mga nasa likod ng iregularidad.

 

 

Una nang sinabi ni Laurel na bumuo siya ng panel na nagsagawa ng imbestigasyon hinggil sa bentahan ng bigas sa halagang P25 kada kilo at P23 kada kilo naman ng palay nang hindi dumaan sa bidding. (Daris Jose)

Other News
  • Morales hindi sisibakin ni Duterte– Palasyo

    Hindi umano sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) general manager Ricardo Morales hangga’t walang ebidensyang sangkot ang retiradong heneral sa korupsyon sa insurance corporation.   Ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pahayag matapos matanong kung dapat bang magbitiw na si Morales sa kanyang pwesto kasunod ng alegasyong malawakang katiwalian […]

  • After six years, dumating na ang ‘right time’… FAITH, inalala na nag-audition noong 2016 sa ‘Encantadia’ pero ‘di nakuha

    THANKFUL ang DragRace PH season 1 contestant na si Turing na napasama siya sa ‘Black Rider’ bilang pag-represent niya sa LGBTQIA community sa naturang serye.       Hindi raw glamourised drag queen ang role ni Turing, kundi tindera siya sa palengke named Cherry Pie kunsaan lagi niyang kasama sa eksena si Yassi Pressman at […]

  • ‘Pinas, hindi isusuko ang West Philippine Sea

    TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na hindi nito isusuko ang kahit na nag-iisang pulgada ng teritoryo ng bansa kabilang na ang inaangkin nitong bahagi ng   South China Sea.   Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay matapos akusahan ng China ang Pilipinas ng  illegal provocations sa pinagtatalunang South China Sea.   Ani Sec. […]