• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NFA, tinitingnan ang pagkakabit ng CCTVs sa mga warehouses, regular rotation ng mga tauhan sa sensitibong posisyon

INILATAG ni National Food Authority (NFA) acting Administrator Larry Lacson ang kanyang mga plano na magkabit ng closed-circuit television cameras (CCTVs) sa kanilang mga bodega at ilagay ang NFA personnel na humahawak ng sensitibong posisyon sa regular rotation.

 

 

Sinabi ni  Lacson na pinasimulan nya ang  maraming ‘ procedural changes’ para  pigilan ang insidente ng korapsyon na nangyari sa nakaraan sa NFA.

 

 

“Lahat ng mga warehouses natin, we will put up CCTVs na nakikita hanggang sa central office para lahat ng mga galaw ng mga stock nakikita po, na-mo-monitor in real-time,” ayon kay Lacson.

 

 

“Sa dami po ng technology ngayon, kailangan po natin gamitin ang technology para po magkaroon tayo ng control mechanism,” dagdag na wika nito.

 

 

Sisimulan aniya nya ang regular rotations para sa NFA personnel sa sensitibong posisyon para pigilan ang mga Ito na maging pamilyar sa kanilang kliyente.

 

 

“[We will implement] regular rotation ng mga tao na humahawak ng sensitive na position. Hindi kailangang magkaroon ng anomalya bago mo i-rotate. I-rotate mo on a regular basis para walang na-cre-create na rapport sa mga kliyente—walang familiarity,” aniya pa rin

 

 

Aniya pa, hindi pa sila nagtatakda ng  duration ng ‘rotation of personnel.’

 

 

“Gusto ko regular [ang rotation], at least siguro isang taon lipat ka,  pinakamaximum dalawang taon lipat ka ,” ang pagpapatuloy ni Lacson

 

 

Ang Regular rotation ng  NFA personnel, nagsisilbi hindi lamang para pigilan ang korapsyon kundi maging paraan para “developing well-rounded individuals.”

 

 

“Kapag umikot po iyan sa ibang lugar, mas marami po ang na-a-absorb nilang kaalaman, mas magaling na po ‘yan para sa pagdating ng araw marami tayong pool ng magagaling na pwede pong umangat sa matataas na posisyon,” ang paliwanag ni Lacson. (Daris Jose)

Other News
  • Ads November 26, 2022

  • TOURIST VISA EXTENTION APPLICATION, BUMAGSAK NG 45 PORSIYENTO

    BUMAGSAK ng halos 45 porsiyento  ang bilang ng mga naga-apply para sa tourist visa extension noong taon 2020.     Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente  na sa datos ng Tourist Visa Section (TVS) umabot lamang sa 240,276 ang bilang ng mga aplikante para sa applications for extension of stay ng mga turista na nangangahulugan […]

  • SHARON, ‘di na naman nakapagpigil at tinawag na ‘engot’ ang basher; ipinagmalaki na may ‘X-Factor’

    HINDI na naman napigilan ni Megastar Sharon Cuneta na patulan ang tila panglalait ng isang basher na nag-comment sa kanyang picture post sa Instagram na kuha nasa taping ng Your Face Sounds Familiar.     Caption ni Mega, “Girl in love and so loved! And not cutting her hair short. Repost from @gens_khaycee78. My barbie […]